Action 32! Σ(゚Д゚)

22 2 0
                                    









Ayan kasi!

Earth's POV ~°•°

Napalobo ko ang bunganga ng isara ni kuya ang pinto ng kwarto. Hawak ko ang unan at kumot na binato niya sa akin. Lahat kulay white 'tong hawak ko, hindi man lang nilagyan ng punda bago binigay sa'kin. Tapos hindi man lang pinagpag. Talaga 'yon oh!

"Aaaaaachoo! Sniff sniff!" Biglang nangati ang ilong ko ng tingnan ang mga hawak ko. Basta gusto ko matulog na ih.

Napalingon ako sa pinto na nasa gilid. Iyong lumang pinto. Ahmm... Doon na lang kaya ako matulog?

"Ikaw? Doon ka sa sala."

Napalobo ko ulit ang bibig at napakunot ang noo ng marinig at maalala ang bilin ni kuya Em. Sumama ang hitsura ko.

"Oh edi sa sala! Ito na nga oh! 'Di ba! Pababa na! Bababa na." Nakasimangot akong bumaba ng hagdan. Nasa kalahati na ako ng maisipan kong magslide ulit.

"Ay. Huwag na lang. Masemplang pa ako dahil sa dala ko eh. Mahirap na. Maulit pa iyong kanina. Pero try ko ulit magslide... Next time na. Super next next next time," sabi ko at tumitingin sa ere at iniimagine ang next time na super. Wala. Wala akong naiimagine na super next time. 'Yaw ko na ih.

Tuluyan akong nakababa at nilapag ko ang kumot at unan sa sofa sa harap ng mesang babasagin dito sa sala. Gundu ng TV! Pak oh. Laki-laki! Mahaba! Matigas! Iyong TV.

Umupo ako sa sofa sa tabi ng kumot at unan. Naisipan ko itong ipagpag. Oo naisip ko nga!

"Achoo! Aa-aahssk—Acho! Aray. Ilong ko." Ginalaw ko ang ilong gamit ang nakalapad na kamay. Ginalaw ko ito pataas at ibaba. Nahahawakan ko iyong buto ng ilong ko hehehe. Tumutunog.

Ginalaw ko ang ilong kasama ang mukha at bibig, estretshing ang tawag sa ginagawa ko. Matapos kong pagalawin ang mukha ay nilagay ko na ang unan sa dulo ng sofa, tumagilid na ako para humiga.

Paghiga ko at pagkatalukbong ko ng kumot, bigla akong napaupong muli. Dahan-dahan kong pinihit ang ulo pakanan... Bumungad sa akin ang pinto ng kusina.

"Hindi!" sigaw ko sabay talukbong ulit.

'Hindi ako pwedeng maghugas ng pinggan okay?! Mahigpit akong pinagbabawalan ni Ulan!'

Bigla akong napaupong muli at napalingon sa pinto ng kusina. Para bang nakakatakot na musika ang umiingay tuwing lilingon ako sa kusina.

"Shh!" saway ko sa isip at humiga ulit at nagtalukbong.

'Makinig ka kay Ulan, Earth! Hindi pwede! Nakakahiya hindi mo 'to bahay! Hindi niyo plato iyon! Saka hindi ka pa nga sure kung wala ng sumpa 'yang kamay mo Earth!'

"Hhaaay!" Muli kong tiningnan ang pinto ng kusina. "Hindi sa tamad ako. Talagang iniiwas ko lang ang sarili ko sa sakit ng katawan. Oo! Ayoko talagang maghugas eh. Pero... Nakakahiya naman wala akong naitutulong na gawain dito. Mukhang nakikituloy lang kami rito sa bahay ng kaibigan ni Kuya. Nakakahiya, babae nga ako tapos hindi ko kayang maghugas? Waaah!" Muli akong nagtalukbong.

'Kaya ko naman maghugas. Pero... Baka kasi.. Baka... Baka nga makabasag ako. Baka... Ano nga. Oo! Baka mabasag ko mga pinggan at paalisin ako ni kuya Em at Lolo Le! Hindi ko alam pauwi sa amin! Ayon oo, ayon nga dahilan ko eh. Huhuhu!'

Nakasimangot kong tinignan ulit ang pinto.

"Oh? Bakit ka nakangiti sa akin pintuan ka? Akala mo maaakit mo ako papunta sayo?!" Nakasimangot akong tumayo at tiningnan ang pinto, "Aaaa—Aaacho!" Napakamot ako uli sa ilong tapos binalik ang tingin sa pinto.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin