Action 41! ('∀`)♡

13 1 0
                                    








Two worms for one bird?


Earth's POV ~°•°

"Kuy—Em!"

Lalapit na sana ako kay kuya Em pero natigil ako sa paglapit ng mapansin ko ang nakasunod sa kanya.

"Hala! Kilala kita!" Turo ko sa babae na iniisip ko ang pangalan. Hala! Hala! Ano nga uli ang pangalan niya? Iyong nandoon no'ng binalik namin iyong kotse ng kuya? Halaaaa! Iyong babae'ng ano bang pangalan!

Nakakunot noo kong inaalala ang pangalan niya habang siya nagtataka na medyo nakangiti? Tinuro niya ako tapos tiningnan si kuya Em. Ay Em pala. Hay! Kuya Em!

"Em?" tawag ng babae kay kuya Em.

Lumapit ako sa babae ng iniisip padin ang pangalan niya.

"Anong pangalan mo ate? Nakalimutan ko! Basta magkakilala na tayo 'di ba? 'Di ba?"

"Miss... Earth Delvalde," sabi ng babae.

"Hahahahaha! Grabe! Miss Earth! Iyong mga reyna na may korona sa TV? Miss Earth hahahahaahaha!"

Wala man lang natawa? Ako lang? Sige. Naku naman!

"Shut up." Napatingin ako kay kuya Em. Ayan nanaman siya sa shut up.

"Sige..." Mahina kong sabi tapos mas lumapit sa babae. "Ate anong pangalan mo ulit?" Nakangiti kong bulong.

Nag-aalinlangan siya na ngumiti sa akin. Saka niya ako sinagot, "Maecy."

"Aaaahhhh! Oo nga! Ate Maecy! Iyong 20 years old! Naalala ko na!" Oh ha! Kilala ko siya!

Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Em saka binalingan si ate Maecy.

"Just stay here for now Maecy. Mamaya iuuwi na kita sa inyo. Magpahinga ka muna rito," sabi ni kuya Em saka umalis at umakyat sa taas. Tiningnan siya ni Lolo Le. Akala ko susundan siya ni Lolo pero hindi eh. Pumasok si Lolo sa kusina.

Aaahh! Pancakes!

"Ate Maecy! Tara doon kay Lolo may pagkain doon." Hinila ko siya papuntang kusina. Sumama naman siya kahit parang nag-aalinlangan siya.

Pinakain siya ni Lolo ng pancakes! Magkatabi kami at nasa harap namin si Lolo.

"Iha..." Pareho kami ni ate Maecy na napatingin kay Lolo.

"Maecy tama ba?" Tumango ako kahit nakatingin si Lolo kay ate Maecy. Hehehe!

"Magpahinga ka pagkatapos kumain. At... Pag-inuwi ka ni... Ni Em, layuan mo na siya ha." Hala. Seryoso si Lolo!

"Lo, bakit?" tanong ko.

"Lolo? Lolo ka po ni Em?" Si ate Maecy.

"Ah hindi po ate Maecy, kaibigan lang sila." Napatingin si Lolo sa akin. Napatakip ako sa bunganga ko. Naalala ko bawal sumabat. "Peace." Nagpeace sign agad ako. Huhuhu!

Tumango si Lolo nang tingnan si ate Maecy, "Kaibigan niya ako."

"S-sige po." Kumain na ulit si ate Maecy.

"Iha, Earth.. Aakyat muna ako," paalam ni lolo.

"Sige po, Lo. Thank you po sa pancakes!"

Tumango si Lolo at umalis. Nakangiti akong tumingin kay ate Maecy na nakasimangot.

"Ate gusto mo joke?"

"Hah?" Nabigla ata siya. Hindi niya ako gets?

"Sabi ko po gusto mo jokes? Kasi malungkot ka eh."

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now