Action 49! (◣_◢)

11 1 0
                                    





Scatter

Earth's POV ~°•°

Napanguso ako kasi ang tagal lumabas ni kuya Em sa 7-11. Ayaw niya raw ako kasama kaya andito lang ako sa labas. Malapit padin kami sa palengke at mukhang hapon na. Napapagod na akong sumunod kay kuya Em—este Em. Haaays! Wala parin akong naiisip na nickname niya. Sakit sa ulo.

Naalala kong hindi pa pala ako nagsosorry sa kanya. Buff!

Naglakad ako papasok sa 7-11 at nakita si Em na umiinom ng soft drinks habang nagbabasa ng kung anong libro na binili niya ata roon.

"Em," tawag ko sa kanya. Tiningnan niya ako.

"You know what? Hindi ka marunong umintindi. Hindi ka lang ata mahina sa school niyo. Pati iyang kahinaan ng utak mo dinadala mo kahit saan."

"Magsosorry lang ako sayo... Sorry na. Parang lagi kang galit sa akin eh." Napabusangot ako. Dapat hindi na lang ako pumasok dito sa loob. Napapahiya lang ako, pinagtitinginan ako ng mga tao. Sanay naman akong mapahiya. Pero kasi... Ang ouch na ng pinagsasabi nito ni Em.

"Tss. Dapat hindi ka na sumunod. Naboboring nga ako sa ginagawa ko tapos sasama ka pa. I want to kill someone at baka ikaw ang mapatay ko. Gusto ko ng matapos 'tong bullshit na trabaho na 'to." Bakit kaya siya naiinis?

"Bakit ka ba ganyan ha, Em? Lagi kang inis. Ano bang ginawa ko sayo? Naiinis ka at lagi mo kong pinagtatabuyan." Mahaba parin ang nguso ko habang kunot ang noo.

"Because I don't like you! You're a damn clumsy girl. Lahat ata ng katangahan sinalo mo na. Pinapaalis kita at tinataboy pero andito ka parin. Hindi ka talaga makaintindi? Kagabi mo pa ako iniinis alam mo ba iyon? Lumayo ka muna sa akin."

Ang bilis niyang magsalita. Tsk. Ano raw sabi niya? Lumayo? Ayaw niya sa akin?

"Eh bakit! Ayaw mo sakin? Ha! Edi—edi ayaw mo sa akin. Edi ayaw mo sakin. Pinipilit kang magustuhan ako? Pinilipit ka? Hindi naman ah. Ayaw mo sa akin? Sige. Hindi naman 'to pinipilit. Tsk." Nakabusangot akong lumabas ng 7-11.

Pasalamat siya hindi ko alam pauwi. Kung alam ko iniwan ko na siya. Umupo ulit ako sa inupuan ko kanina dito sa labas at sinasamaan siya ng tingin mula sa loob. Nakita ko siyang tumingin sa relo niya saka tumayo maya-maya.

Mukhang uuwi na siya kaya sumunod na ako sa kanya. Naglakad siya na parang wala lang ako. Sinundan ko naman siya. At dahil marami na ring pauwi na mga tao bigla akong kinabahan.

Nakikita ko si Em at sinusundan ko siya. Pero dagsa ang mga taong naglalakad at nagsasalubungan sa dinadaanan namin. Mula ang ilan sa palengke at pauwi na rin. Nababangga na ako ng iba at mas lalo akong kinabahan dahil napapalayo ako kay Em. Gusto kong hawakan ang laylayan ng jacket na suot niya pero pinipigilan ko ang sarili.

'Eh bakit? Inaway ako tapos ano? Tsk. Batukan ko siya eh. Inaaway niya ako. Ayaw daw sa akin? Edi wag!'

Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. Kahit ramdam kong nakakunot ang mukha kong nakatingin sa likod niya. Pero napalitan ng kaba ang pinta sa mukha ko ng biglang dumami ang tao sa dinadaanan namin. Nakikita ko pa naman si Em pero nagigitgitan na rin siya. Wala akong pake sa bumabangga sa akin basta nakatitig lang ako sa jacket ni Em na unti-unti ng nawawala pero pinipilit kong habulin.

'Joke lang yon. Bati ko parin siya. Nakokonsensiya na akoooo! '

"T-teka. E-em!" sigaw ko habang tinataas na ang kamay sa sobrang gitgitan.

'Ano 'to? Laksa-laksa? Hindi ba kayo nasisikipan mga tsong?! Ang sikip kaya! May kabila pang kalye pwede naman doon, putragis na 'yan! Anak ng pating naman oh!'

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें