Action 42! ╯﹏╰

11 2 0
                                    








brOKen


Lolo Le's POV ~°•°

May nangyari at ayaw ipaalam iyon ni Em sa akin. Ayaw ko sanang mangialam pero hindi ako matatahimik. Kailangan kong mang-usisa, magiging malaya ako kapag ka umalid na ang babaeng si Maecy.

Palakad-lakad at pabalik-balik ako sa itaas na palapag. Gusto kong katukin si Em at tanungin na agad. Pero parang mali, baka iba ang isipin niya kung magmumukhang nag-aalala ako sa mga ginagawa niya. Baka umalis siya rito sa akin... Ulit.

'Pero gusto kong magtanong. Ano bang nangyayari. Ano ba ang trabaho niya sa babaeng si Earth? Sino si Maecy? At kilala niya ba ang pamilya ni Earth? Anong mga alam niya?'

Gusto kong malaman kasi concern ako kay Earth at... Sa kanya.

Natigil ako sa kalalakad ng biglang bumukas ang pinto sa kwarto ni Em. Nagkatinginan kami.

Siya ang unang umiwas at saka nagsalita, "Give me one more hour, ibabalik ko na siya sa kanila," sabi nito.

Naglakad ito papunta sa hagdan upang bumaba na ng pigilan ko, "Teka..."

Tumigil siya at binalingan ako. Naglakad ako palapit sa kanya.

"What's with her?" Tiningnan ko ang babaeng kasama ni Earth sa sala sa ibaba. Napatingin din siya.

"Don't step in, old man. My business isn't yours."

"Sana hindi ka na lang nagpakita ulit kung ganito ang gagawin mo sa harap ko." Seryoso kong sabi. Ayaw kong sabihin iyon pero kailangan. Hinarap niya ako ng buo.

"Why? What do you want me to do? Ha? I am just here because I need to and not because I want to. Ano bang gusto mo? Sumunod ako sayo? Magkwento ng mga bagay-bagay tungkol sa trabaho ko? Ganoon ba?"

Inaantay niya ang sagot ko. Napahilamos ako ng mukha bago sumagot.

"I just wanted to know... Kung anong nangyayari sa'yo? Kung anong nangyari sa'yo..."

"Tsk. Thanks for showing a little concern but... Ayokong magkwento, gusto kong makita mo."

"Em."

"Hindi na uubra sa akin ang ganyang tono. Mapag-utos, nakakatakot, ang makakarinig ay susunod agad, ayan ka... Padrone. Pero hindi mo 'ko miyembro."

"Hindi na ako Padrone. Kung ayan ang gusto mong marinig."

"Your tattoo is a proof. Sapat na iyon."

"Hindi na ako isang Padrone, Em."

"Pero isa ka parin sa kanila. Ayan ang pinakamalinaw na pangungusap."

"Gusto mo bang malaman lahat. Ha?"

Nagtitigan kami ng ilang minuto, "Tsk. Sabi ko sayo, ayaw ko ng kwento, ng dada... Gusto ko ng aksyon, nang pagkilos."

Ngumiti siya saka tuluyang bumaba ng hagdan.

'Ano bang nangyayari? Anong nangyari sa kanya. At ano pang mangyayari. He left me clueless. Malalaman ko rin lahat... Pati ang kay Earth... Malalaman ko rin.'


Em's POV ~°•°

What's with that old man a while ago. He asked me questions he know that I will not going to answer.

Inaantay ko lang ang oras at iuuwi ko na si Maecy sa kanila. Ito ang unang beses na may nadamay kapag ka nakikipaglaban ako. Hindi ako ganito makipaglaro... Ibang-iba. Nawawala ako sa kondisyon kapag may iniisip. Hindi tama.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now