Action 39! (~_^)

18 1 0
                                    

Secondly


Mat's POV ~°•°

Sumipsip ako sa coke na hawak habang tinitingnan ang mga taong papasok sa restaurant na kinaroroonan ko.

Tumutunog ang pinto sa tuwing may papasok at napapatingin ako roon. Sumisilip din ako sa labas. Mataas ang sikat ng araw. Tanghali na rito sa Greece. Sa kinaroroonan ni Maecy malapit ng dumilim, anim na oras ang advance ng oras sa Pilipinas mula rito. Malapit ng mag-isang araw mula ng mangyari ang muntik ko ng pagkuha kay Maecy.

Nakarating na sa itaas ang pagkatalo ng Haram. Sa kasamaang palad marami ang nalagas sa grupo niya. At siya... Ang padrone ay muntik ng mamatay.

Ngayon ay tinawagan ako ni Haschrine... Iyong babaeng sexy at hindi halatang mas matanda sa akin na siyang right hand ni Padrone Uno. Siya ang inaantay ko kanina pa.

Sumipsip ulit ako at tinitingnan ang paligid. Napatingin ako sa babaeng kumakain sa dulo ng restaurant at may kasamang lalaki. Kasing katawan niya si Maecy. Tinitingnan ko siya ng maigi, hindi siya si Maecy.

Bahagya akong natawa. Iniisip ko ang babaeng iyon. Ano kayang nangyari sa kanya? Nasaan kaya siya ngayon? Siguro hindi siya pumasok sa hotel dahil sa nangyari.

May mga gusto akong itanong sa kanya, gusto ko siyang makuha para lumapit sa akin si Em... Ilan 'yan sa mga dahilan kaya iniisip ko siya.

Dahil sa nagtratrabaho siya sa Hotel siguro doon niya nakilala si Em. Paano kaya makitungo ang lalaking 'yon sa babae? Hindi kaya... Girlfriend na niya iyon kaya niya rin niligtas?

Natawa ako sa mga iniisip.

'Kung ganoon mahina si Em kapag wala sa kanya ang babae. Alas ko talaga siya!'

Hindi alam ni padrone Uno ang tungkol sa babaeng si Maecy... Unless may iba siyang pinagkukuhanan ng impormasyon bukod sa akin.

Wala lang trip ko lang... Trip ko lang na gawin ang bagay na 'to, itong magmasid sa mga nangyayari. Gusto ko lang... Gusto ko lang din siyang makita... Si Em.

Pinayagan din ako ni Padrone na maging kontak sa bawat mover o gang. May iba kasi siyang pinagagawa sa right hand niya, syempre tungkol nanaman sa pera. Nagmumukha rin tuloy akong right hand kahit Padrone ang posisyong karapat-dapat ako.

May araw din para sa sarili kong palabas. Ngayon ito muna ako, nagbibigay ng signal at nagrereport kay Padrone Uno ng mga nangyayari. Pinagkatiwala niya sa akin 'to kasi alam niya na alam ko ang lugar ng Pilipinas at kilala ko ang kalaban namin... Kilalang-kilala.

Pero iyong babae na talagang pinapahanap ni Padrone... Hindi ko pa nakikita. Mas maganda kaya siya kay Maecy? Mas matangkad? Mahaba ang buhok? Astig kaya siya tulad ko? Mhmm... Ano kayang hitsura niya? Si Padrone ang tumingin sa litratong pinadala ng Haram kay Shijak para kumpirmahin kung ang Young Delvalde nga ba ang nahuli nila. Ako naman ang nagsabi sa Haram na hindi iyon 'yon base din kay Padrone, nagalit pa ito. Pero ikinatuwa ko iyon. Kaya ng tawagan ko ang Haram, kinuha ko na ang opportunidad para makalapit kay Em at plinanong kunin si Maecy kay Yudo, kasi sinabi ni Yudo, mukhang babalikan ni Em si Maecy, na nangyari nga.

Pagdating naman sa Young Delvalde limitado na ang impormasyon ko. Kasi si Padrone, si Em lang ang pinapaintindi sa akin. Nacucurious tuloy ako doon sa Delvalde na 'yon.

"What's with that curious face?" Napatingin ako sa babaeng biglang umupo sa upuan sa harap ko. Tinanggal ko ang straw mula sa bunganga at napatitig sa kanya.

A simple but gorgeous lady is in front of me wearing a dirty black thin blouse that was tucked in her black slacks, this shows her curves. Her loose hair makes her face round and more beautiful. Sa kinis ng balat niya hindi talaga halatang mas matanda siya sa akin. Pero teka... Bawal ang nakalugay sa Fiavaza.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now