Action 89! T﹏T

12 2 0
                                    

Unaccomplished

Earth's POV ~°•°

Tumunog na ang cellphone ko kasabay ng pagred ng sign ng battery sa itaas na bahagi nito. Napabuntong hininga ako ng mawala ang app na binabasa kasi hindi na kaya ng battery. Lima na lang pala kasi.

Mula kaninang alasdos ng madaling araw nagbabasa ako ng jokes pero hindi ko na ata halos maintindihan ang binabasa. Hindi tumatalab, hindi ako napapatawa. Naubos na ang kapangyarihan ko. Natatalo na ako.... Nakakapagod. 

Gusto kong magdrama ng magdrama pero sa sobrang hirap intindihin ng malungkot na ideya, hindi ko kinakaya. Sumasakit lang ang ulo ko. Tapos natutuluyan ako sa pag-iyak. Wala, walang laman ang utak ko habang umiiyak. Parang nakaprogram na bigla na kailangan kong umiyak... Dahil sa mga nangyari.

Nakakapanghina lang lalo. Pero ito kailangan paring lumaban.

Pinatay ko na ng tuluyan ang cellphone ko. Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Tanghali na. 

Ayoko ng manatili doon sa ospital. Lalo lang akong iiyak kapag andoon ako. Tama na siguro 'yong kahapon. Ayoko ng makita ako ng mga tao sa paligid ko na umiiyak. Hindi naman ako 'yon eh. Hindi ako naiyak. At kapag nakita ako ni Ulan na umiiyak? Sisigawan ako no'n. Ayokong magalit sa akin si Ulan. Kaya tama 'na yon. 

Gustong-gusto ko nang bumalik sa dati. 'Yong nakakapagjoke ako. Nakakatawa ng malakas. 'Yong ako talaga. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam. Ngayon lang... Ngayon ko lang naramdaman ang sobra-sobrang lungkot na halos isipin kong nag-iisa na lang ako sa mundo. 

Pero may mata ako, at nakikita ko ang mga taong nasa tabi ko. Nabawasan man sila ng isa... Alam ng puso ko na kompleto parin sila.

Tiningnan ko si Tito Golib na nagmamaneho. Si Tito Frieg ay nasa tabi niya at nasa likod ako nakaupo katabi ko ang bag ko.

"Tito Golib..." 

Nagulat ko ata sila at napalingon pati si Tito Frieg sa akin. Si Tito Golib bumagal ang pagmamaneho at sinilip ako sa salamin sa itaas ng ulo nila.

"Iha may kailangan ka?" tanong ni Tito Frieg. 

"Malapit na tayo sa inyo. Nagugutom ka na ba?" tanong ni Tito Golib.

"Hindi po. Hmm, huwag na lang pala po muna tayo umuwi." 

Nakita kong pareho silang nag-alala. Nakakita ng parking'an si Tito Golib sa gilid ng kalsada at tumigil doon. Saka nila ako nilingon.

"Miss Delvalde, bakit ayaw mong umuwi?" Si Tito Golib ang naunang nagtanong.

Kahit malalaki silang tao, hindi sila nakakatakot. Mukha silang mga aksyon star sa palabas at malalaki ang mga muscles pero kung kausapin nila ako, sobrang lambing at nararamdaman kong nag-aalala sila.

Nginitian ko sila pareho, "Mamaya na lang po mga gabi niyo ko iuwi. Kung hindi po kayo busy ha. Pero kung busy kayo ayos lang. Kahit saan niyo ko iwan tapos balikan niyo na lang ako. Hindi ako aalis pramis."

Bumuntong hininga si Tito Frieg, "Sige-sige. Pero, kakain muna tayo ng tanghalian. Kahit saang restaurant mo gusto." Tipid na ngumiti siya sa akin.

Mabilis akong tumango, "Sige po!"

Pinaandar na ulit ni Tito Golib ang sasakyan. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa restaurant.

Nagpaiwan ako sa labas saglit at sila Tito Frieg ang umorder ng gusto ko. 

May mga bata na naglalambitin sa kamay ng ng istatwa ng restaurant at ang saya-saya nila. May nakaupo sa paaan ng istatwa at may yumayakap pa.  Lumapit ako sa mga bata at tumabi sa isa na nakaupo sa gilid.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now