Action 82! (?﹏?)

12 1 0
                                    

Didn't know

Ian's POV ~°•°

Sabay naming tinulak ni Jai ang silver cart ng mga pagkain na dala-dala namin. Nakasuot kami ng parehong uniform. Nakasumbrero ako ng itim samantalang si Jai ay nakamask ng kulay itim. Hanggang balikat ko si Jai at mukha pa siyang lalaki kung maglakad kaysa sa akin. 

Ang angas niya tingnan sa suot niya. Maangas din naman ako pero mas naangasan ako sa kanya. Para siyang dwarf na nakacostume. 

Nang makapasok kami sa Cruise ship ginalaw niya ang wireless earphone sa kaliwang tainga na natatakpan ng maikli niyang buhok na straight. 

"Nakapasok na kami," bulong niya na narinig ko rin. 

[Nasa lido deck ang party. Dumeretso kayo doon para hindi halatang hindi talaga kayo kasama sa mga nagdeliver ng pagkain.] Boses iyon ni Kurd. 

Agad kaming umakyat ni Jai at pagdating doon ang papalubog na araw ay inakit ako sa sobrang ganda pagmasdan. Nasa Lido Deck na kami. At sobra akong natulala sa ganda ng sunset. Kitang-kita mula sa posisyon ng cruise ship.

Napalingon ako sa siko ni Jai na siniko ang tagiliran ko, "May papalapit. Maging attentive ka nga, Adrian," saway ni Jai sa akin at natawa lang ako.

"Sorry ma'am." 

Masama ang tingin nito ng tingalain ako. Nagpigil ako ng tawa.

"Excuse me," ani ng malaking boses at may espanyol na aksent. Napalingon kami sa lalaking nakaformal suit at may red na neck tie. 

"Yes, sir." Si Jai ang sumagot.

"Why are you still here? Are you the additional service crew from that Chinese restaurant?" Kunot noong tanong nito.

"Ah yes sir." Masigla kong sagot.

"Why are you here then? The foods are ordered to move in the galley that's why we hired crew to serves us. I didn't like buffet," reklamo nito.

"A-ah yes sir we are going to the galley." Natatarantang sabi ni Jai saka kami umalis sa harap ng lalaki.

"Alam mo kung saan yung galley?" tanong ko sa kanya habang sinusundan siya.

"Oo. Nakita ko sa laptop ni Ate Kurd ang location." Pagtataray nito.

[Very good Miss Jai.] Biglang lumitaw ang boses ni Kurd. Napangiti si Jai. A half moon smile that suits her pokerface.

Naglakad kami at dumaan sa ilang hall saka tumigil si Jai sa kulay puting pintuan na mayroong portion na glass. Mula roon ay nakikita namin ang iilang tao na busy sa loob. Tinulak ni Jai ang dalang cart saka bumukas ang pinto. Sumunod ako sa kanya.

"Oh my goodness! Dumating din!" bulalas ng isang lalaki na  agad pinatayan ang kausap sa telepono. "Dito dito!" Tawag nito sa amin.

Mabilis ang kilos namin ni Jai na nilapit sa kanya ang dalang cart.

"Kami po yung pinadalang additional waiters." Pagpapakilala ko. 

"Oh eh bakit ka nakasumbrero? At ikaw bakit ka nakamask? Hindi pwede ang mga may sakit dito. Kilalang tao ang nasa cruise ship na to. Kaibigan ng amo natin. Ako ang branch manager ng Quing Xi Restaurant dito sa Manila. At biglaan lang tong nangyari. Kaya kaunti kami sa tao." Pagtatapat nito. Tumatango lang kami ni Jai. "Ganito ang gawin niyong dalawa. Pumunta kayo sa lido deck, doon sa may pool. Doon daw gaganapin ang party. May mga mesa na roon na inaayos ng ibang waiter. Hanapin niyo doon ang assistant waiter na may Daniel na nameplate sa uniform niya. Sa kanya kayo magpaassist. Sige na, 20 minutes na lang at malapit ng magsimula ang party."

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now