Action 31! (-,-゛)

15 1 0
                                    




Side His Side

Lolo Le's POV ~°•°

Hinahanda ko na ang higaan ko ng mapansin kong bukas pa ang pintuan ng kwarto. Tiningnan ko ito at sinilip ang labas.

Nasilip kong nag-uusap si.. Si Em at si Earth na malapit sa hagdan. Gabi na… Ano bang pinaguusapan nila.

Bahagyang tumaas ang mga kilay ko, 'Siguro ay kailangan nila ng oras, ng sila lang.'

Napayuko ako at hinawakan ang door knob mula sa loob ng kwarto saka ito sinara ng dahan-dahan.

"Ang batang iyon... Sa bawat minutong nahahagip siya ng mga mata ko. Ang anak ko ang nakikita ko."

"Pa! Papa!"

Napatayo ako sa swivel chair na inuupuan ko at nailapag ang ipod na hawak ko nang marinig ang boses ng kaisa-isa kong anak na palapit sa opisina.

Bumukas ang napakalaking pinto ng malawak kong opisina. Niluwal nito ang babaeng nakabonnet ng black habang lugay ang buhok. Nakasuot ng malaking tshirt na ginawa niyang off shoulder. Maong na short. Naka four inch heels na color black at may leg holster ang binti na may nakasukbit na pistol. Galit ang hitsura niya.

"Bakit andito ka anak? At ano 'yang suot mo?" Kunot-noo kong tanong.

"Papa naman. Damit po ito. Saka pwede ba papa. Huwag mong tanungin kung bakit ako nandito. Okay? Alam kong alam mo."

"Vantrin! Gumalang ka!" sigaw ko sa kanya at nagulat siya. Nilapitan ko siya at bahagya siyang napayuko.

"Talagang matigas ang ulo mo ha." Galit kong usal.

"Papa naman kasi. Ano ba, pa? Gusto ko ngang sumali sa laban. Gusto ko ring makipaglaban. Gusto kong lumaban para maging right hand woman mo. Papa gusto kong makasama ka sa pagdedesisyon sa gang na 'to. I am already 20, so please. Support me to what I want. Ayoko sa normal na mundo. I want to live to the gang world. Please, papa..." Pakiusap niya ng may kunot noo. Alam niyang aayaw ako. Ilang beses na niya akong sinubukang kausapin.

Ilang beses ko na ring pinaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi niya ako maintindihan. Ang mama niya ay namatay sa gitna ng away dito mismo sa mundong gusto niyang pasukin.

Pinaaral ko siya sa iskwelahan na may mga madre. Pinaaral ko siya sa puro babaeng paaralan. Noong sampung taon palang siya ay ako na ang tumaguyod sa kanya. Pinipilit kong ituwid ang daang nakabaluktod na para makadaan siya at makapunta sa landas na gusto ko para sa kanya. Gusto ko siyang mabuhay ng tama. Mabuhay ng walang nasasaktan. Mabuhay ng walang natatapakan, walang kaaway, walang napapatay.

"No." Mahina kong usal.

"Papa naman. Ano bang kailangan kong sabihin para payagan mo ko? Papa please. Gusto ko at alam ko ang ginagawa ko."

"Hindi mo alam. Vantrin-anak... Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na hindi ito ang mundo mo? Anak hindi ito. Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na rito namatay ang mama mo. Ikaw na lang ang pamilya ko. Parang awa mo na sumunod ka sa akin. Iniingatan lang kita."

"Papa, alam ko iyon. Pero... Tama na papa. May sarili na po akong isip. Alam kong hindi ako kasing talino niyo pero papa kaya ko ang kakayahan niyo. At kaya ko ang ginagawa niyo. Hindi ko hinahangad na palitan kayo gusto ko lang pasukin ang mundo niyo. Sawa na ako rito sa normal na mundo papa. Payagan niyo na ako."

"Anak—"

"Padrone..." Lumapit ang isa sa Six aust ko at yumuko. Inantay kong magsalita ito pero inabot niya sa akin ang isang black ribbon na may dugo. "Salinio," turan ni Pli. Inangat niya ang ulo, "Anim na lang po sila." Dagdag niya pa.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now