Action 27! (^^)v

14 1 0
                                    




Table

Earth's POV ~°•°

"Earth-Iha? Tara na luto na ang pagkain." Narinig kong sigaw ni Lolo Le, short for Leanico. Katamad kasi ang haba ng pangalan.

"Opo, Lolo Le! Bababa na rin po," sagot ko.

Nasa second floor ako ng bahay at tumitingin-tingin. Pag-akyat ng hagdan may tatlong apat na pintuan tapos may daanan papuntang balkonahe.

Maganda sa balkonahe ang kaso puro bahay lang din ang halos makikita. Binuksan ko ang pintuan malapit sa daanan papuntang balkonahe at bumungad sa akin ang malawak na CR. May bath tub ata tawag doon basta may bangka na tiles. Tapos may shower. Iyong hose na nasa taas. Ginagawa ko lang sa bahay 'yon eh. Palihim kong kinukuha sa garden ni Ulan iyong garden hose na tinatawag niya tapos sinasabit ko sa CR namin kasi may sampayan sa loob ng CR ng mga underwear na nilabhan doon ko sinabit tapos nakasaksak sa gripo ng CR tapos pagbukas mo ng gripo ayaaaan naaaa!

Pumunta pa ako sa isang pintuan kasi tapos ko ng silipin ang CR, pagpasok ko sa pinto ay may malaking kama. Kulay black and white ang disenyo ng kwarto tapos kaunti lang ang gamit. May lumang kabinet sa gilid. Lumang aparador tapos may lumang maliit na baul sa sulok. May lumang mesa pa sa gilid ng kama. Lumilipad ang kulay white na kurtina na nasa bintana malapit sa kama.  Kaya pala malamig. Siguro rito natutulog si Lolo Le, sobrang linis.

Sinarado ko na ang pinto dahil ayokong makasuhan ng trespassing. 'Di ba trespassing na 'yon?

Pumunta ako sa sunod na pintuan ang alam ko rito pumasok si kuya na kasama ko kanina eh. Ang kaso pinilit kong buksan pero mukhang nakalock, ayaw bumukas eh.

Iniwan ko na lang ang pinto at pumunta sa huling pintuan. Napansin kong luma ang pinto kaysa sa mga nauna. Binalikan ko ng tingin ang ilang pinto para masigurado at talagang luma nga ito kaysa sa mga nauna.

Eh kung luma ibigsabihin! Isang katok ko lang dito sira na. Hihihihi! Naexcite akong buksan ah! Pagkasinipa ko kaya? Magmumukha akong action star? Oo tama! 'Yong may pa 'HIYAAA!' na sigaw hahaha! Ang astig ko siguro kapag ginawa ko iyon tapos saktong marupok na itong pinto talagang magmumukha akong malakas! Lakas din ng imagining ko eh. Ay imahinasyon pala 'yon. Iningless pa kasi eh

Naeexcite na akong bumuwelo. At pinuwesto ko ang mga kamay na naka-kamao sa harap ng dibdib. Pero natigilan ako.

"Teka, tama ba dapat dito ang kamay ko? Nakakamao ba dapat? Ay baka istraight lang dapat. Ay basta itong paa dapat kunyari malakas. Para astig tingnan." Tumatalon-talon ako at naghahanda nang hindi sinasadyang mahagip ng mga mata ko sa first floor si Lolo Le at Kuyang kasama ko na nagtititigan. Anyari? Nag-aaway ba sila? Ay hindi! Baka namiss nila ang isa't-isa kaya ganyan. Kanina ganyan din sila eh.

Tiningnan ko ang pintuan... Tiningnan ko si Lolo Le. Baka mamaya pagalitan ako pagnasira ko 'to. Sige na nga next time na lang pagkaaalis na kami rito at uuwi na kami ng bahay. Itatry kong sirain 'to at magmukhang action star tapos tatanggalin ko iyong pinto sa amin para pampalit. Joke lang Ulan, baka naririnig mo ko. Joke lang.

Nagkibit-balikat akong nakangiti at umalis na lang sa harap ng pinto tapos bumaba. Natigil ako sa tatlong hagdan mula sa taas. Tiningnan ko ang gilid ng hagdan na parang riles ng train. May napapanood ako sa TV na nag-iislide rito eh. Nakakatawa pagnatutumba sila. Hahahah! Try ko nga mukhang masaya 'to!

Umupo na ako at pumuwesto para magpadulas.

"Hehehe!" Inayos ko ang puwet at mula sa mahigpit na pagkakahawak sa dadaanan ng puwet ko ay niluwagan ko ito at inangat ang paa.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now