Action 3! (*>_<*)ノ

69 4 7
                                    


Who Is HE?







FPJ's POV ~°•°

"Sir, we're here," ani Meg matapos buksan ang pinto ng kotse ko.

Bumaba ako na parang isang superstar. Humarap sa isang malaking entrance hall ng isang malaking building na papasukan namin. We are in Greece. The lovely place and the holy country of gangs.

Inayos ko ang dark black necktie at ang black shade na suot. Pinaputok ko ang bubble gum na nasa bunganga at nginuya ulit. Nakangisi kong nilakad ang distansiya papasok, kasunod si Meg.

Tumambad sa amin eleganteng main hall ng gusali. Puno ng mga samut-sari at mamahaling mga kagamitan. Mga magagarang tao na naglalakad sa paligid. At ang amoy ng karangyaan.

Bahagya kong binaba ang shades ng lingunin ako ng babae sa main desk. Nakangiti ko siyang kinindatan. Yumuko siya pabalik. Mayabang akong tumawa at naglakad papasok sa elevator.

"Sir, pwede pong magtanong?"

"Tanong na 'yan 'di ba?"

"Eh sir, may pinakatanong pa po. Bakit po tayo nasa hotel? Magchecheck-in po ba tayo, sir?"

"Sinama kita para saan?"

"Sabi mo po, sir, sa meeting."

"That's it. You already answered your question." Lumabas ako ng elevator at sumunod siya.

"Ha?" Pagtataka niya.

Meg is my junior along with Gam and Gem. Pare-parehong baguhan sa larangan ng paggawa ng krimen. Nalagasan ang miyembro ko dahil sa nangyari'ng paglabas ni Em. He's threatening me. Nagkataon pang mga duwag na miyembro ko ang nakaharap niya.

Isa ngang duwag si Meg. Pero bakit? Bakit siya ang pinili kong kasama sa meeting na to? At bakit ko sa kanya iniatas ang pagpatay kay Dauntless Fiavaza?

Again, simply because... I believe that 'an angry bird can win against the brave one.'

Kung baga sa isang gang member, matatakot sayo ang kalaban mo kapag ka galit ka at magiging dahilan iyon para matalo mo siya.

At naniniwala akong kaya ng galit ni Meg ang mas maging malakas para matalo niya ang Dauntless Fiavaza.

Kaya siya ang isinama ko rito ngayon sa gaganaping 'Gang organization Assembly'. Tanda rin ng pagkilala ko sa kanya bilang... Right-hand man.




Meg's POV~°•°

Paglabas namin sa elevator pumasok kami sa isang normal na hotel room. Pero natigilan ako ng mapunta kami sa isang hallway.

'Teka. Paano kami nakarating dito? May pinindot lang si padrone doon sa silid na 'yon tapos... Andito na kami?'

Kalmado at taas-noo'ng naglakad si Padrone sa hallway. Nagtataka akong sumunod sa kanya. Sinubukan kong kumalma kahit pa sinasalubong kami ng mga naglalakihan at mga nakakatakot na mga tao. May mga tattoo sila sa iba't-ibang parte ng mga katawan. May nakasuot ng black, brown, white at iba't-ba pang kulay ng suit. Napayuko ako sa suot ko.

'Ang mga nakablack dito... Ay ang mga Austere na Upper class?'

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng walang nasasagot isa man sa tanong ko. Paglagpas namin sa isang corner ng hallway ay may iilang tao ang yumuyuko sa amin. Walang nag-sasalita o nagtsitsismisan man lang sa hallway.

Amoy matapang na pabango ang paligid. Nagpatuloy kami sa paglalakad at kada kantong nililikuan namin ay nag-iiba ang kulay ng pader, para ba itong color code na may ibigsabihin. May iba't-ibang klase rin kami ng taong nakakasalubong. Ang iba ay yumuyuko sa amin at ang iba ay hindi.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now