Action 80! ---_---

13 2 0
                                    


Flashback

Em's POV ~°•°

'Is clumsy mad at me?'

Tuloy-tuloy ang luha sa mga mata ko.

'Wala siyang karapatang magalit. Bakit siya magagalit? Wala akong ginawang masama. All bad things that I'd done is because I am ordered to do so by her father... Her father. B-bakit Mister Delvalde? Bakit mo nga ba pinapagawa sa akin to?'

THAT is exactly the same day as my birthday, last year. Sinama ako ng journalist na nakita ako sa China papunta sa Korea. Ilang linggo akong hinahabol-habol ng reporter na to at pinipilit sumama sa kanya.

Ilang beses niya akong kinumbinsi sa maraming paraan. If I will come to him he will give me everything I want but in exchange I need to do something. Noong una ay umayaw ako. Pero tinatanong niya ako sa mga gusto ko. At ng isagot ko ay 'pera' nakangiti siyang tumango at sinabing meron siya nito.

Napaisip ako at dahil wala naman na akong mapupuntahan ay sumama ako sa kanya. Hindi ko iniisip kung ano ang ipapagawa niya sa akin pero iniisip ko ay ang pera na makukuha ko sa kanya.

At habang papunta kami sa Korea ay tinatatagan ko ang loob ko, hindi ko gustong maalala ang mga masasayang kaarawan na nagdaan sa akin. Binaling ko ang atensyon sa kasamang reporter. Iniinterview niya ako, at ang pinakaweird niyang tanong ay kung nagtatagalog ba ako o may alam ako tungkol sa Pilipinas.

Deretso siyang nage-English at tinatanong niya ako kung nagtatagalog ako? Weird. Tumango lang ako at ngumiti lang siya.

Pagdating namin sa Korea, sa loob ng isang malaking basement niya ako deneretso. Nagulat ako sa sobrang daming lalaki ang nandoon, mahigit labing lima. Mayroong mga bata pa, mga kasing edad ko at mga matatanda na ang hitsura. Halos lahat ay busy sa pag-eensayo.

Para itong malaking gym at mayroon ding combat area na may mga naglalaban-laban. May mga armas sa gitna ng malawak na lugar at dumadampot lang doon ang ilan. Mangha kong pinapalibot ang paningin ng hindi sinasadya ay mapadako ang tingin ko sa isang lalaking kasing tangkad ko pero mukhang mas matanda sa akin.

Nakatingin siya sa akin na para bang iniinspeksyon ako. Hinihingal siya na para bang kakaensayo palang. Pawisan at walang damit pang-itaas.

Dahan-dahang sumama ang tingin ko sa kanya ng makita ko ang tattoo niya sa kanang balikat.

'Mafia...'

Dahan-dahan kong binaba ang bag. Ngumiti siya ng mapansin ang sama ng titig ko. And his eyes become a warning to me. Uminom siya ng tubig na hawak at nakatingin padin sa akin. Habang umiinom ay sinenyasan ako gamit ang middle finger niya na lumapit sa kanya.

'Oh come on.'

Sa inis ko ay tuluyan kong binitawan ang bag at tumakbong sinugod siya. Sa pagtakbo ko palang naramdaman kong unti-unting napapatingin sa akin ang iba pang lalaki doon.

I punched him and he accidentally spill the water in his mouth. Dilat na dilat siya ng balingan ako. Binato niya ang tubig saka inis na humakbang palapit sa akin.

Hindi siya nagsalita at inambahan ako ng suntok na agad kong nasalag. Buong lakas kong inikot ang kamay niyang susuntukin sana ako. Nakita ko pang inangat niya ang isang kamay na nahihirapan at dumako iyon sa tshirt ko. Hinila niya ang damit ko at nilalayo ako sa kamay niyang hawak ng dalawa kong kamay.

I kicked his tigh and knees forcefully. He released my tshirt and hold his aching tigh.

"Aarghh!" sigaw niya saka buong lakas akong tinulak gamit ang kamay na pinanghawak niya saglit sa hita.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now