Action 24! (^.^;

18 2 0
                                    






Remember this Chapter~

Em's POV ~°•°

"WAAAAHH! SURPRISEEE---?" Napatingin ako sa babae dahil sa pagsigaw niya at nang tumigil siya ay tumingin ako sa bukas na gate kung saan inilalarawan ang—.

"Hayh!" Gulat na sigaw ng babae dahil sa pagkalabog ng gate pasara.

Inis akong napaiwas.

"S-sino ba iyong mata—"

Mabilis na bumukas ulit ang pinto at pabagsak pa. Inilarawan nito ang isa—.

"MANONG!" Pareho kaming napatingin sa babae dahil sa pagsigaw niya. Saka siya dali-daling humarang sa gilid ng gate. "Ayan. Huwag mo na pong ibagsak pasara ang gate. Harang ako rito para hindi mo masara, manong."

'What the!'

Tiningnan ko ang matandang lalaki at mula sa babae nalipat ang tingin niya sa akin... Matagal bago kami kumibo. Tila inoobserbahan ang isa't-isa at tila mga sundalong bawal kumurap ang  mga mata.

Hanggang sa unti-unting ang mga mata ng babae ang humaharang sa tingin ko. Napakurap ako. Mabilis kong tiningnan ng masama ang babae at umayos siya ng tayo.

"A-akala ko lang naman tulog na kayo. K-kasi 'di na kayo gumagalaw. Sabi kasi ng katabi ko no'ng grade six ako, may mga nakakatulog daw na dilat ang mga mata. Tulad ng mga isda. Tapos may mga—."

"Sinasabi mo bang isda kami?" Inis kong tanong.

"Hindi, ang ibig kong sabihin ay dilat kayong natutulog na parang mga isda sa dagat na akala mo nalanggoy ayon pala tulog na kahit ang mga mata nakatingin padin ng deretso at ang mga palipikpik at buntot ay mahina paring gumagalaw sa dagat at ang tubig ay—."

"Wala ka bang ginawa noong grade six ka kung hindi ang titigan ang sinasabi mong isda at obserbahan ang galaw nito? Ha. Nakakailang 'at' ka na sa sinasabi mo pero hindi ka parin natatapos."

"Ha. Ahahahah! Oo. Iyon nga! Nago-obserbahan, para kayong ganoon hahaha! Teka naman pala, grabe ka. Nagsulat naman ako ng notes noong grade six ako," naglakad ako papasok sa loob ng bahay at dinaanan sila pareho ng matanda, "Wala ako sa star section noon hahahah! Muntik na akong maistar section kaso nakita ng adviser ko na wala ang pangalan ko sa section na iyon kaya tinawag ako ng teacher at inilipat sa katabing room. Habang naalis ng star section sabi ko 'ay sayang naman dito. Mukhang puro star ang binibigay ng mga teachers sa students dito at hindi puro buwan eh.' Grabe ang laking sisi ko noon akala ko makakakuha ako ng puro star. Alam mo noong nalipat ako sa kabilang section ayon, hindi lang buwan ang nakuha ko, itlog din. Sabi ng katabi ko sa section na iyon lagyan ko raw ng hotdog sa gilid ng buwan at itlog. Natawa siya at mukhang masaya kaya nilagay ko nga, kaso napagalitan ako ng teacher namin. Sabi ng katabi ko masyado daw malaki iyong hotdog halatang nilagay lang. Nahalata raw ni teacher kaya napagalitan ako. Tapos tinawa—."

Napalingon ako sa babae ng kalabitin siya ng matanda. Kumurap ito ng makitang wala ako sa puwesto ko kanina.

"A-ah manong, nakita niyo po iyong kasama ko?" tanong niya sa matandang lalaki na nagbukas ng pinto. Ngumiti ang lalaki.

"L-lolo na lang iha." Napapikit ako at napabuntong hininga ng marinig ang boses niya... Umulit-ulit ang boses niya sa tenga ko.

"Ah naku sorry po. Hindi niyo sinabi agad na lolo kayo. Mano po." Nagmano ang babae sa matanda ng tingnan ko sila at... Ngumiti ang matanda. Iniwas ko ang tingin...

Earth's POV ~°•°

Matapos kong magmano kay manong este lolo ay nginitian niya ako at ngumiti rin ako sa kanya.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now