Action 58! π_π

10 2 0
                                    


Panibago

Em's POV ~°•°

Umangat na ang helicopter nang higitin ko ang kamay ng Sunder at itulak naman ng isa kong kamay ang babae mula sa kanyang noo na ikinaupo niya.

Sinuntok ako ng Sunder at napaatras ako sa ginawa niya. Narinig ko ang pagtili ng babae.

Sabay kaming sumugod ng Sunder sa isa't-isa, pumakanan ang ulo niya sa pag-aakalang makakaiwas siya sa suntok ko. Pero pagkaiwas ko sa suntok niya ay mabilis kong nilihis ang kamao sa inaakala niyang lalapagan nito. Imbes ay dumaosdus ito sa sikmura niya na agad niyang ikinatiklop.

Sinipa ko ang tuhod niya at napaluhod siya. Ito ang dahilan ng Sunder kung bakit nasa ilalim ng tuhod nila ang tattoo nila. Dahil tuhod ang pinakamahinang parte ng katawan nila. Na hindi agad mahihinuha ng kalaban dahil hindi naman iniisip ng mga gang ang kahinaan, ayaw nga nila ng salitang 'mahina'. Pero sa akin, bawat maliit na impormasyon ay mahalaga. Basta para ito sa pagkatalo nila.

Tiningala ko si Kill, "Don't be a coward. Don't go away without fighting for your pride."

Nginitian ako nito. "Oh tsu tsu, bad boy. Look at you? I see fear in your eyes. Fear of losing your work? What? Money? Oh honey I can give you millions right away. In exchange to that girl." May tukso ang tono niya habang nakikipag-agawan sa ingay ng elesi ng helicopter.

"Tsk. It's not my job. I don't have a fucking care to your money or how much this girl is. You know what I care about?" Tinuro ko ang sampung tauhan niya na nakahandusay. "And to do your name, to you."

"Aaargh!" Sumama ang tingin ni Kill kasabay no'n ay ang pagkasa ng baril niya at pagyakap sa akin ng mabilis nang sinikmurahan kong tauhan niya.

Nilingon ko ito habang nakangiti sa akin at napatingin ako sa mga braso niyang tila sintigas ng bakal na nakapalibot sa katawan ko.

"Argh." I groaned. Buhay pa pala ang isang 'to.

Galit kong nilingon si Kill.

Pero binigyan niya ako ng maangas na ngiti habang unti-unting tinututok ang kinasang baril sa babae na nakaupo.

Mabilis siyang nagtaas ng kamay at nanginginig na tumayo, "Lah lah kuya! Hoy baba mo 'yan bakit ako! Siya lang kaaway mo eh! Kuya Pating oh! Kuya stop it. No bang bang me!  Please kuya!" Hindi ko alam kung nagbibiro siya o natatakot. Basta para niya akong tanga na tinuro. 

Tiningnan niya ako, "Kuya Pating hoy! Bakit ako? Sabihin mo naman in English na hindi ako ang kaaway niya. Kuya ikaw 'yon eh. Ayoko na kuya. Sinasali mo ko rito eh." Nakanguso niyang pagmamaktol.

Tsk. Pareho naming dinamay ang isa't-isa sa gulo na 'to.

"Shut up," saway ko sa kanya.

Sinubukan niyang lumapit sa akin pero,  "Kuya nama—AAAAHHHH!" Agad napatili ng umalingawngaw ang putok ng baril.

Natataranta siyang nagpa-ikot-ikot dahil pinaputukan siya ni Kill ng bala sa bandang paa.

Nakaramdam ako ng kaba at habang nakatingin sa babae ay sinubukan kong makaalis mula sa pagkakayapos ng lalaki, pero hindi ko nagawa ng mabilisan. Asar!

"Defeat him now!" sigaw ni Kill sa lalaking nasa likod ko at nakayakap. Dahil sa boses ni Kill na ikinainis ko, buong puwersa kong hinawakan ang braso ng lalaki na nakayakap sa akin at inangat ito saka pataob na binalibag.

Dumaing siya at namilipit. Mabilis kong kinuha ang baril ng lalaking nakahiga na nasa bulsa niya saka kinasa iyon at tinakbo ko ang distansiya namin ng babae.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now