Action 50! ︶︿︶

16 2 0
                                    

Calm the dark blue ocean

Earth's POV ~°•°

Hindi ako gumagalaw at nakatingin lang sa nangyayari. Kasalukuyan ng bumababa ng sasakyan iyong manong na nakasando ng dark blue. Hinihingal naman si Em dahil sa kakatapos lang na papakipaglaban.

Nagpaharurot ang lalaking sinugatan niya lang at binulungan matapos sumagot ng dare. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at kung bakit ito nangyayari. Ang mga nakahandusay, patay na kaya sila?

Napangiwi si manong habang nasa harap ni Em, "I am damn disappointed to them." Gigil na sabi niya. Tapos biglang nagalit at halos lumabas na ang ugat ng punitin niya ang sando niya.

Napanganga ako sa sobrang takot. Napatakip ako ng bibig.

'Hala! Ang laki ng katawan niya at para siyang wrestler. May tattoo siya na katulad sa mga nakahubad niyang kasamahan. Medyo malaki nga lang ang tattoo niya. Nakakatakot siya... Hindi pala, nakakakilabot siya.'

Naramdaman ko ang luha sa mga mata. Sabi ko na nga ba hindi siya kaya ni Em. Ang laki no'n kumpara sa kanya eh. Ano ba kasing nangyayari! Ano ba 'to? Nananaginip ba ako? Putragis naman oh.

"Miss me, Em?" tanong ng lalaki saka biglang sinuntok si Em. Pero kinagulat kong nakailag siya.

'Shocks! Puting pating!'

Sinuntok siya ng lalaki pero umilag ulit siya. Nagpatuloy lang siya sa pagsuntok habang parang hindi napapagod si Em na umiilag.

"Arrgh!" sigaw ng lalaki habang naghahabol ng hininga sa bawat suntok na sa ere sumasapol. Walang emosyon lang si Em na umiilag at parang alam na alam ang kalaban at ginagawa nitong kilos.

Ilang suntok pa ay tumigil ang lalaki at hinihingal na tumingin ang matatalim nitong mga mata kay Em. Kalmado lang si Em at ngumiti pa.

'Kanina ko pa gustong magsalita pero wala akong magawa kung 'di pumirmi rito sa gilid. Hindi dapat ako magpatalo sa luha na pesteng tumutulo na 'to.'

Tumayo ako at tiningnan si Em. "Hoy! Em! Anong ginagawa mo! Ang laki kaya ng taong 'yan! Itigil mo na 'yan! At isa pa! Huwag ka ngang ngumiti riyan! Huwag kang ngumiti! Basta huwag kang ngingiti!" sigaw ko kaya napatingin sila sa akin.

'A-ah eh.'

Ang talim ng tingin ni manong sa akin. Napakamot si Em sa ulo at napailing na parang may mali akong ginawa.

"This alien-speaking ugly girl is the reason of this all! If they order us to kill her, I already did. But damn it! They want your stupid head, moron! " sigaw niya kay Em matapos akong ituro.

"That didn't surprised me. I want to kill you." Kalmadong sabi ni Em.

'Totoo ba talaga 'to? Patay? Pagpatay? Pumapatay? Wala ba ako sa panagip? Totoo bang may dugo sa paligid? Totoo ba ito?'

Naramdaman ko nanaman ang luha dahil sa pagkakahalo-halo ng mga naiisip ko. Ang sakit sa ulo.

Muling nagsuntukan si Em at iyong lalaki pero sa pagkakataong ito may hawak na pana ang lalaki na iniilagan ni Em. Kamao at pana ang kalaban niya. Pero ang bilis niya sa pag-ilag.

Humahagulgol ako sa iyak ng biglang higitin ni Em ang kamay ng lalaki at binali ng lakas niya saka inikot ni Em palayo sa gawi ko ang lalaki at nakita ko pang kinuha niya ang pana mula rito at biglang sinaksak sa kung saang parte ng lalaki at napasigaw ang lalaki. Hindi ko na nakita dahil nga iniiwas ito ni Em sa akin.

Pero napapikit ang mga lumuluha kong mata dahil nakarinig ako ng malakas na pagsigaw dahil sa sakit.

Sumisigaw parin ang lalaki habang paluhod na bumabagsak sa sahig. Nahihilo ako sa nakikita. Madaming dugo. Dahan-dahang lumilingon si Em sa akin.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now