Action 53! 〒▽〒

12 1 0
                                    




Bukas na

Earth's POV ~°•°

Sabay kami ni Lolo Le nagising. Si Kuya Pating nasa kwarto pa, andoon nakahiga sa lapag na sinapinan niya. Ayaw na niya ako katabi eh. Kasi tinandayan ko siya no'ng isang araw. Arte no'n, naliligo naman na ako. Mabilis naman natutuyo mga damit ko kasi dinadryer. Kaya mabango ako!

Nakangiti akong umupo sa dining, "Lolo Le, good morning po! Nakita ko 'yong binili mo Lolo na nasa CR. Maraming salamat po. Kailangan ko no'n Lolo pakiramdam ko magkakaroon na ko."

Nakangiting sumagot si Lolo, "Walang anuman iha." Ngumiti rin ako.

"Lolo gusto ko rin po 'yong toothbrush. Ang cute hahah!"

"P-paano mo pala nalamang ako ang naglagay ng mga 'yon?" Nahihiyang tanong ni Lolo saka naglapag ng dalawang plato.

"Kasi, Lo, kagabi po, no'ng magbibihis na ako, nakahiga na si kuya Pating. Tapos nakita ko po 'yong mga gamit. Tapos po tinanong ko si Kuya Pating, sabi ko 'Kuya Pating! Bili mo 'to para sa akin?!' Tapos sagot niya po sa akin, 'No.' Tapos ibigsabihin no'n 'di ba po 'hindi'? Tapos nakita ko 'yong blue na toothbrush saka 'yong toothpaste na bukas. Tapos tinanong ko ulit siya, 'Kuya Pating! Ginamit mo 'yong blue na toothbrush? Hindi ikaw bumili nito? Kanino 'to kuya? Akin ba 'tong pink?' Parang ganoon po ang tanong ko kasi hindi ko na matandaan. Tapos po hindi niya ako sinagot. Paglabas ko ng CR nakaearphone siya. Tapos nakapikit, ang gwapo niya nga Lolo Le eh! Tapos tinitigan ko lang siya hanggang makatulog ako. Heheh!"

Umupo si Lolo sa upuan. Nagulat ako ng tapos na niyang ihanda ang mga pagkain.

"Woah! Lo, ang bilis mo po ah!"

"Ang dami mong sinabi kasi, iha. Ayan natapos nalang ako. Kain ka na." Hindi na ako nagpatumpiktumpik pa at kumain na.

Tiningnan ako ni Lolo. "Buti nagustuhan mo ang toothbrush. Saka... Sa kwento mo, mukhang ginamit ni Em ang blue na toothbrush?"

Tumango ako kay Lolo habang may laman ang bunganga. Nakita kong lumapad ang pagkakangiti ni Lolo. Ang gwapo niya rin doon ah! Parang si... Kuya Pating hahah!

KUNOT-NOO kong tinititigan ang cellphone at nililingon ang second floor ng bahay.

Inaantay kong bumaba na si Kuya Pating, at inaantay kong tulungan niya akong komontak ng kamag-anak. Ayaw niya ata akong pauwiin. Si ate Maecy pinauwi na niya. Hmp!

Tiningnan ko ang second floor. 'Aba aba. Hindi pa nababa. Parang nakalimutan din no'n na may pangako siya. Sabi ni Lolo Le ipapasyal niya pa ako.'

Napataas ang kaliwang parte ng labi ko. Seryoso kong tiningnan ang cellphone ko. At unti-unting ngumit.

Naalala kong kontakin si Ma'am Glen! Oo tama! Magsosorry ako kasi hindi na ako nakakapasok sa coffee shop. Saka... Miss na kaya nila ako?

Hinanap ko ang pangalan ni ma'am Glen sa contacts saka ko pinindot ang call button.

Ginalaw ko ang labi ng pakanan at kaliwa habang inaantay ang pagsagot sa kabilang linya. Nagring lang ng nagring hanggang sa may sumagot na!

"Maam Gle—!"

[JOSKO PO EARTH! NASAAN KA!? ANONG NANGYARI SAYO! ANONG GINAWA MO! KAMUSTA KA!? LIGTAS KA BA HA! BAKIT NGAYON KA LANG TUMAWAG ANONG NANGYARI AT NASAAN KAAAAA?!]

Pinatay ko ang tawag. Sinigawan ako eh.

Nagvibrate ang phone ko at tumatawag ulit si Ma'am Glen. Sinagot ko naman.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now