Action 98! >••<

11 1 0
                                    

Ready for War 7?

Fpj's POV ~°•°

"Rex, Min, Tre, Sho, isama niyo si Ken, Ink at Pen. Nasa NAIA na kami. At hindi natinag ang mga Bratva, nandito sila at umaaligid sa amin. Bilisan niyo na!" sigaw ng right hand man ko na si Meg, sa kabilang linya.

[Pli! Andito na kami sa NAIA. Magpapunta ka rito ng back up. May nakikita akong mga Cosa Nostra na umaaligid sa amin.]

"Copy that Padrone." Agad kong pinatay ang tawag. Dumungaw ako sa pasimano ng second floor.

"Lahat ng six Aust! Sa sasakyan! Ngayon na!" sigaw ko at binigyang daan ng mga Austere na nagpaparty ang limang kalalakihan nang tumakbo ito palabas ng mansyon.

"Golib! Linisin ang buong mansyon!" Nagmadali akong bumaba ng hagdan. Mabilis na tumalima si Golib saka inutusan ang mga malapit sa kanya.

"Nasaan si Kurd?! Kurd!" utos ko sa babaeng mukhang lalaki na yon na nawawala kapag kailangan ko.

"Pli! Andito ako. Anong kailangan mo?" Mabilis siyang lumapit sa akin mula sa kusina.

"Icheck mo ang mga daan papuntang NAIA. Saan ang mas safe? Ibigay mo sa lahat ng Six Aust. Aalis kami para sunduin sila Padrone. LAHAT KAYO! WALANG MATITIRANG KALAT SA MANSION! AT KAPAG MAY NAGSALITA NI ISA SA INYO AT NAGSUMBONG NA NAGPAPARTY AKO! Creek!" Kunyari kong hiniwa ang leeg gamit ang hintuturo.

"OPO!" sigaw nilang lahat saka kumilos ng mabilis.

"Bilisan mo Kurd!" utos ko sa nakatinging babae sa akin. Nagulat siya at mabilis na pumasok sa silid niya para magtrabaho.

Habang palabas ako mabilis na sinuot sa akin ni Iyo ang coat ko saka ko siya tinulak dahil humaharang siya sa daan. Agad akong sumakay sa iniwang sasakyan ni Padrone, papunta sa NAIA.

Tumunog ang cellphone ko at nagsent na ng direksyon si Kurd.  Mabilis kong binatukan ang driver ko saka nilagay sa harap niya ang cellphone, "Sundan mo to! Huwag kang kung saan-saan liliko! Magmamall ka? Mamamasyal ka? Bilis!"

Agad siyang tumalima at mabilis na sinunsan ang direksyon. Nasa unahan ng sasakyan ko ang lima pang sasakyan ng mga six Aust.

Sa anim na six Aust ni Padrone Gestoso, ako ang pinakapinagkakatiwalaan niya. Marahil sa kadahilanang pamangkin niya ako na hindi alam ng nakararami. Hindi nila ako kilala bukod sa tawag nila sa akin. Pli, iyon ang codename ko.

Pero hindi ko to ginagawa para lang sa tiwala ni Padrone. Tsk! Hindi na niya deserve ang pagiging Padrone. Mula ng magbulakbol ang magaling niyang anak na nag-iisa at babae pa, hayun! Nababaliw na siya sa kakaprotekta roon. Puro siya utos sa akin! Utos dito! Utos doon! Aaah punyeta!

Okay, sige. Padrone namin siya dahil tinuruan niya kami, tinanggap at pinamunuan. Pero para sa akin, unti-unti ng natatapos ang mga araw na yon. Tapos na niya kaming gawing miyembro, ay mali! Ako lang pala. Of course, lahat ng Austere ay Austere members padin. Pero ako? Hindi na lang ako magiging Member.

Unti-unti ng umiikot sa mga kamay ko ang lahat. Unti-unti ng napapasa akin ang organisasyong ito. Unti-unti ko ng nagagawa ang mga plano ko. At unti-unti... Naibabaon ko paibaba ang Padrone ko. Phew! Ginagawa niya akong utusan ha! Panay ang tawag keso kailangan ng back up, ng kasama, ng bodyguard, ng papatay para sa kanya! Eh bobo pala siya!

Kung pinapahanap ko ng pera ang mga taong isusugo ko para lang sa kanya, diba? Edi kumita pa ang organisasyon! Kumita pa ako! Hindi yung namatay lang ang mga miyembro ko ng dahil sa kapunyetahang pagiging ama na ginagawa niya! Hayss!

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now