Action 46! >_<

14 2 0
                                    


MoveAway

Earth's POV ~°•°

"Hahahahaha! Hahahahah! " Napapahawak ako sa tiyan ko habang tumatawa sa pinapanood.

"Hmhaha! Iha dahan-dahan sa kakatawa. Nadadala ako sa tawa mo. " Nakangiting sabi ni Lolo Le sa akin. Nakaupo si Lolo sa dulo ng sofa na mahaba at ako nasa maliit.

Parang baliw kasi eh! Mga totoong tao iyong nasa pinapanood ko tapos nagtatakutan sila. Imbes na matakot ako nakakatawa iyong mga reaksyon ng natatakot HAHAHAH! Mga magkakaibigan tapos nag-iiwanan at nagtutulakan na no'ng and'yan na iyong mumu na nakakatakot HAHAHAHAH! Naisip kong ako nandoon HAHAHAHAHA! Ano kayang gagawin ko HAHAHA! Kung kasama ko si Kuya Em itutulak ko siya HAHAHAH! MAUUNA AKO TUMAKBO HAHAHAHAH!

"HHAHAHAHAH!" Nagtawanan kami ni Lolo Le no'ng biglang malaglag sa tubig iyong tinakot.

"Can you minimize your voices."

Sabay na sabay kaming napalingon ni Lolo Le sa likod namin tapos nakita namin si Kuya Em nakatayo sa likod at nakasimangot.

Tumayo ako at nakangiting lumapit kay kuya Em si Lolo Le naman bumalik sa panonood. Hala si Lolo oh nag-enjoy din HAHAHAHA!

"Hehe ah kuya Em! Tara nood tayo," yaya ko sa kanya pero iniwasan niya ako at dumeretso sa taas.

"Bakit? Ganoon iyon? "

"Iha, hayaan mo na. Dito ka na at manood." Napangiti ako sa boses ni Lolo.

"Ayyyt HAHAHAH! Bait ni Lolo hehehe! Nood nalang ako tama hahahaha!" Umupo akong nakangiti at nanood kami ni lolo.

Ilang minuto pa ay napatingin ako kay Lolo Le ng magpatalastas ang pinanonood namin.

"Krrrkk... Krrrkk..." Humihilik na si Lolo.

"Ay naku, masyado pang malakas ang TV. Tulog na si Lolo. Baka magising pagkananood pa ako. Ahm..." Tiningnan ko si Lolo saka ang TV. Huhuhu! Paano 'yan manonood ako.

Nag-isip ako... Si Lolo na tulog? O ang nakakatawa kong pinapanood?

Ang bait ni Lolo sa akin eh. Si Lolo nalang nga, para hindi na ako mag-isip. Kinuha ko ang remote ng TV sa mesa saka inoff iyon. Nahagip ko ang oras at hapon na. Basta nasa kanan na naparte iyong kamay na maliit ng orasan.

Pumunta ako sa kusina at para uminom ng tubig. Binuksan ko ang Ref ng dahan-dahan. Tapos kumuha ng lalagyanan ng tubig na malamig. Kumuha rin ako ng baso at nilapag ito sa mesa. Nilagyanan ko ng tubig ang baso. Tuloy-tuloy ang agos ng tubig at ang bilis.

"Aayhala!" sigaw ko ng biglang umapaw ang baso. Nilapag ko agad iyong lalagyanan ng tubig. Tapos umiwas ako sa mesa na tumutulo na ang tubig na umapaw.

Nakapameywang ako at inangat ang kanang parte ng labi, "Ano ba naman 'yan, ang ganda ko talaga. Ganda ko ilunod sa tubig. Haaays! Eh nauuhaw na ako. Bahala ka muna d'yan waterfalls. " Waterfalls ang tubig na natapon at nagfall mula sa mesa. Oh ha!

Uminom ako habang nakangiti. Ewan ko natatawa ako sa naisip ko. Kung nandito si Ulan kinurot na no'n ang tagiliran ko sa nakita niyang kalat. Tapos kung ano-ano na ang pinagsasabi sa akin.

Nilapag ko ang baso sa mesa at tiningnan ang kalat. "Ah! Pamunas!" Luminga-linga ako at naghanap ng pamunas. Nakita ko ito sa taas at nakasabit sa may parang cabinet. Ang taas. May tela rin sa may ref pero para ata 'to sa kamay.

"Wala na bang iba? Baka dito meron?" Naghanap pa ako at nakakita sa tabi ng mga sandok. "Ito abot ko."

Ngumiti ako at inabot ang pamunas. Habang kinukuha ko iyon nakakalampag ko ang mga sandok at nagsisipagtunugan. Hinahanawakan ko naman iyong kaya kong hawakan para hindi tumunog. "Sshhh ka lang sandok. Magigising si Lolo Le niyan eh. Buang kang sandok ka."

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now