Action 64! o.o

17 2 0
                                    


A gun

Jai's POV ~°•°

Tirik ang araw ng tanghaling tapat. Nakaparada ang sasakyan ni Art ilang bahay ang layo mula sa gate ng subdivision nila Em. Nakaupo si Lolo Le at Art sa unahan ng sasakyan at kaming tatlo naman ni sir Gigs at ma'am Glen ang nasa likod.

"Hindi pa ba tayo lalabas?" Nag-aalalang tanong ni ma'am Glen.

"Nasaan ba si Em? Hindi kaya niloloko niya lang tayo sa binigay niyang lokasyon?" Inis kong sabi. Tiningnan lang ako ni sir Gigs na animo ay sinasaway.

Wala akong nakuhang sagot ng biglang lapitan ng isang lalaki ang pintuan ng kotse sa gilid ni Art. Sinilip niya ang kami at kinatok ang bintana sa parteng 'yon. Binuksan ito ni Art.

"Good afternoon po. Pasensiya na po. Bawal po kasi ang magpark dito. For costumers only lang po," sabi ng lalaking nakauniform ng pang restaurant kung saan kami nakatapat. Napansin namin ang sign na tinuro niya. Ngumiti si Art.

"Aheheh! Oo nga sorry. Aalis na kami," ani Art.

Nakangiting tumango ang lalaki saka umalis. Binuhay ni Art ang sasakyan. Napasandal si sir Gigs at Ma'am Glen na tila nawalan ng pag-asa. Pinihit ni Art ang sasakyan paikot at pabalik sa subdivision.

'Nasaan kaya si Em? At anong ginagawa niya?'

Papasok na kami ng subdivision. Ilang bahay malapit sa gate paparada si Art. Sinilip ko ang labas ng kotse at hindi sinasadyang makita ko si Em.

"Teka! Ayon si Em!" sigaw ko. Lahat kami napatingin sa tinuro ko kung saan nakatayo si Em sa gilid ng kalsada at patawid. Agad na pumihit si Art pabalik sa highway. Minaneho ang distansiya at tumigil sa kaninang kinatatayuan ni Em na ngayon ay nasa kabilang kalsada na.

"Saan siya papunta?" tanong ko habang ang lahat ay nakatingin sa kanya na kalmadong naglalakad sa gilid ng kalsada. Ni hindi nahahalatang may baril ang likuran niya. Tila normal na taong naglalakad lang. Tumigil siya sa tapat ng roll up gate na nakaawang ng kaunti at hindi tuluyang sarado. Isang warehouse.

"And'yan kaya si Earth?" Puno ng pag-aalalang tanong ni ma'am Glen.

"Hindi ba natin siya pupuntahan?" tanong ni sir Gigs. Tiningnan ni Art si Lolo Le.

"Sundan na natin siya! Kung and'yan si Earth kailangan na natin siyang iligtas. Lumabas na tayo!" Pasigaw na sabi ni ma'am Glen.

Magsasalita pa sana ako ng mapatingin ako kay Lolo Le. Nakatingin siya sa kotseng nakaparada ilang kilometro ang layo sa amin. Walang ibang kotse ang nakaparada mula sa amin hanggang sa itim na kotseng iyon, bukod sa ilang signages ng mga commercial house at iilang tao na nadaan.

"Hindi pa. Delikado," sabi ni Lolo Le habang nakatingin doon.

"Anong delikado? Kaya nga tayo andito para iligtas si Earth tapos sasabihin mo delikado? Na ano?! Na puntahan pa natin siya? So hindi na natin siya ililigtas?!" Naiinis na sabi ni ma'am Glen. Napatingin ako kay Em.

Bigla namang tumigil ang mga sasakyan na dumadaan dahil sa pagpula ng ilaw sa traffic light na nasa 'di kalayuan. Natakpan si Em ng mga ito. Minuto ang lumipas ng unti-unting nawala ang mga sasakyan at umandar na. Pailan-ilan na lang ang mga dumadaan ng tuluyan na sana naming makikita si Em. Pero wala na siya doon at ang naka-awang na gate ay bahagyang gumagalaw. Tanda na may pumasok doon. At nasa loob na siya.

"Hindi ba talaga tayo susunod?" Kunot-noo kong tanong.

"Delikado nga to," komento ni Art na akala mo ay alam ang mga mangyayari.

"Aah! Kung ayaw niyo bahala kayo! Basta ako pupuntahan ko sila!" Desididong sabi ni Ma'am Glen. Dahil nasa tabi ko si ma'am sa kanan at malapit sa pintuan ay mabilis siyang nakalabas.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now