Action 37! ≥﹏≤

14 1 0
                                    

savEd.

Maecy's POV ~°•°

Nakapiring akong hinila ng isang lalaki palabas ng kotse at halos ibalibag ako ng bitawan.

"Ach aray ha!" daing ko sa lalaking mahigpit akong hinila at hinawakan saka nito tinanggal ang piring ko sa mga mata tapos tiningnan niya lang ako. Paglingon ko sa kanan ko tiningnan ako ng tinatawag nilang Padrone.

"Act normal when he is here. Or else," turan nito at pinakita sa akin ang button ng electric shock device na kinabit nila sa hita ko. Takot na takot na ako. Hindi ko alam kung ano ba ang totoong nangyayari. Bakit ako ang nandito?

Nahihirapan akong isipin ang sitwasyon ko pero alam kong hindi ako pababayaan ni Em rito. Nararamdaman kong ililigtas niya ako. Hindi niya ako pababayaan.

Tinawag niya ang pangalan ko kanina... Darating siya.

Hindi ko alam kung nasaan kami. Buong biyahe nakapiring ang mga mata ko, bawal gumalaw o magsalita. Basta ang alam ko lang may taong kukuha sa akin. Kahit na hindi naman ako ang totoo nilang pakay. Hindi ko nga sila kilala lahat. Saka hindi naman talaga ako dapat ang nandito.

Si Em ang gusto ko at hindi ang mga taong 'to na may pare-parehong kulay na damit ang suot. Ilang beses ko na silang sinabihan at hindi iyon maintindihan ng Padrone na 'to sa tabi ko kahit ilang beses ko ng ipaintindi, sarado ang tenga nila para sa akin.

Hawak ako ngayon ng isang lalaki. Pero hindi halatang bihag nila ako dahil walang kahit anong visible na bagay ang magpapatunay no'n. Nasa hita ko ang hindi halatang device na siyang simbolo na bihag ako. Dahil doon kaya nila ako napapasunod. Oras na mali ang kilos ko, ako lamg din ang mapapahamak. Kaya kahit pagsigaw hindi ko magawa. Wala rin namang makakarinig sa sobrang liblib ng lugar. Pero nararamdaman kong may darating na tulong.

Pumasok kami sa malawak na lugar sa tapat ng sirang estruktura. Gusali na abandona, maraming kalat at mukhang tambakan na lang ng kung ano-ano. Nasa tapat pa kami nito. Ang ilaw lang sa loob ay isang bumbilya na malapit sa hagdan paakyat sa third floor. Eskeleton ang hitsura ng gusali kaya kitang kita ang loob kahit ang ikatlong palapag, sa taas may roof top din. Nakakatakot dahil maraming nakausling bakal sa paligid ng gusali. Wala rin akong makitang mga bahay, ang lalayo. Nasaan ba kami?

"Sir we are here," sabi ng Padrone sa telepono.

Hindi ko na narinig ang sagot nung nasa kabilang linya. Nagsimulang maglakad ang ilan sa mga lalaki at pinalibutan ang lugar. May mga pumasok ng gusali at umakyat sa roof top, sa second at third floor. Naiwan ang ilan dito sa tapat ng gusali kasama namin. Ang unang palapag ay tulad ng pangalawa at pangatlo kitang-kita ang kabuoan, walang harang. May mga pumuwesto sa mga gilid ng hagdan sa first at second floor. Sa bawat lakad nila kinikilabutan ako. Parang hindi tama. 

Tahimik na sila ngayon, tahimik na ang mga kasama kong kaninang umaga ay mga brutal. Bigla akong kinabahan dahil sa sumagi sa isip.

'Kung darating si Em para iligtas ako... Magkakagulo ba? Kung hindi naman siya darating para iligtas ako... Saan nila ako dadalhin? Anong mangyayari sa akin? Nag-aalala na sila mama panigurado.'

Nagpipigil na ako ng luha rito habang tinitingnan ang mga lalaking parepareho ang suot na damit. Wala akong magawa. Binilang ko sila para hindi mag-isip at hindi ako umiyak.

Inilibot ko ang mga mata dahil nagkalat ang mga lalaking binibilang ko. Simula sa roof top nagbilang ako pababa.

'Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siy—Em?'

Napatingin ako sa 'di kalayuan at napatulala sa lalaking nakajacket at may hawak na baril, mahabang baril na hindi ko alam ang pangalan. Si Em ba iyon? Nasa second floor siya sa dulong parte. Kaunting liwanag mula sa buwan ang dahilan kaya napansin ko siya. Sino iyon?

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now