Action 33! (_ _;)

16 1 0
                                    


Sincere...

Em's POV ~°•°

Pagbukas ko ng pinto sa kwarto ay hinanap ko agad ang switch ng ilaw dahil nakapatay ito at madilim sa loob.

Natigilan ako ng lumiwanag.

"kkrrrkkk... Krrrrkk... Hrrk-hrrk!"

Nahagip ng mga mata ko ang babaeng nakatalukbong at nakahiga sa baba ng kama. Hindi ako matagal na tumingin sa kanya.

Tama ang ginawa niya at diyan siya natulog pero ang hindi tama ay ang malakas niyang paghilik.

Asar.

Ano bang gagawin ko sa babaeng 'to. Ang ingay niya matulog paano ako makakatulog sa buyset na kwartong 'to?

Galit akong naglakad ng hindi siya tinitingnan. But accident is always around if you're with this kind of girl.

"Woooy!" I mumbled while balancing my body when I accidentally step on her feet.

"Waaaaacch! Aray! Ach! Ouch! Huwwaahuhuhu! Aray!" Gulat na daing niya.

"Shut up!"

Mahina siyang napahagulgol dahil sa ginawa kong pagsigaw. Ang ingay niya. Hindi ko lang sinasadyang matapakan ang paa niya na nakalabas sa kumot niya. Kasalanan ko bang nakastraight siya pagmatulog?!

Mangiyak-ngiyak siyang tahimik na nakaupo at hinihimas ang paa. Masyadong malambot kaya ayan madaling masaktan. Parang unan ang paa niya ng matapakan ko.

Para siyang bata ngayon.

"Hoy babae. Tumigil ka na nga," utos ko ng galit ang mga mata habang nakatingin sa kanya.

Tiningnan niya ako saka tumigil sa pag-iyak. Sinimangutan niya ako saka humiga ulit at nagtalukbong na, humiga nang nakatikukko.

Umupo ako sa kama at nakita ang paa niyang nakalabas parin sa kumot, iyong natapakan ko. Hindi pa nadala oh. Tsk.

"Bakit diyan ka nakahiga!?" Galit kong tanong na agad ko ring kinagulat. Teka. Damn it. Why the hell did I asked? What the!

Mabilis akong humiga at hinanap ang kumot sa kama pero hindi pa ako nakakatalukbong ng bigla siyang mahagip ng mga mata ko na nakaupo at nakatitig na sa akin. Napatigil ako sa pagtago. Asar.

"Hmh." Huminga siya ng malalim tapos pumaharap sa akin.

Anong nangyayari? B-bakit bigla akong kinabahan? E-ewan ko! Kaasar!

Nagpatuloy ako sa paghiga. Nang bigla siyang magsalita sa tono na hindi ko inaasahan.

"Ahmm... Hindi ko sinasadyang dito matulog kuya. Talagang inaantok na ako pagdating ko dito eh. Lilipat na ako ulit sa sala. P-pasensiya na k-kuya..." Mabilis ko siyang tinignan. Nagliligpit na nga siya ng mga hinigan niya. Nakatitig lang ako.

Napaupo ako sa kama habang nakatingin sa babae. P-parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Bakit ganoon? Ang hinhin ng boses niya na parang nalulungkot at may kinatatakutan. Pakiramdam ko.. sinsero ang paghingi niya ng pasensiya. An-ano bang nangyari?

Kaasar naman oh. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko mabasa ang babae. Para siyang palaisipan ngayon. Mababaw lang siyang tao kaya nakakapanibago ang tono ng pananalita niya ngayon na malalim at hindi ko mahulaan kung anong ibigsabihin.

'Kung sa sala siya matutulog... Paano kung...'

Natutulog siya sa sala. Nakahiga sa sofa at nilalamok na.

Magugulat siya sa kaluskos at mapapaupo. Hindi siya makatulog dahil sa lamok kaya nabigla siya sa narinig na kaluskos. Ang hitsura niya ay kinakabahan at parang naiihi na. Tumatagaktak ang pawis sa noo at gustong-gusto na niyang sumigaw- isigaw ang pangalan ko. Gusto na niyang manghingi ng tulong. Duwag kasi siya.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now