CHAPTER 65

147 10 6
                                    

Chapter 65

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 65

I can hear everything clearly, including the chains being pulled repeatedly—a breathless man desperate to escape.

Akkey—

"Umaasa ka ba?"

Nagtaas ako ng kilay nang marinig ko ang mahinang boses ni Heleina. Kahit parang nauubusan na siya ng hiningi, pinilit pa rin niyang magsalita, masira niya lang ang concentration ko.

"Aba at may lakas ka pa pala para magsalita. Akala ko mananahimik ka na diyan habang buhay."

Nagawa pang ngumisi ni Heleina kahit halos dumikit na sa simento ang pisngi niya. Bagsak na bagsak na ang katawan niya pero iyong ugali niya namamayagpag pa rin talaga.

"Hindi ka mananalo kay Rylee."

"Oh talaga? Paano ka nakasigurado?"

"Dahil hindi mo malalagpasan si Rylee kahit na kunin mo pa ang lahat ng kakayahan ng mga miyembro ng Retina Organization. Alam mo ba kung bakit?"

"Hindi ko alam at ayokong alamin! Lalo na kung sa 'yo lang naman din manggagaling!"

"Baliw ka!" Heleina shouted.

Nakaka-relax iyong sigaw niya, pakiramdam ko nanalo ako sa usapan naming dalawa. Kaya nanahimik na ako. Hindi ko na siya kinausap. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa dugong naaamoy ko mula sa malayo. Sino ang sugatan? Sana si Rylee!

I was startled when I felt a burning sensation and overflowing strength. Jusko, parang tumalon ang puso ko palabas sa katawan ko. I tried closing my hands to see if my grip is still okay. Not so good. But the good thing is, I can feel a huge difference in strength.

Well—Let's see.

Hindi ako puwedeng magdipende lang sa nararamdaman ko. Kailangan ko ng proof. I created a gun using my own blood.

"Six seconds na lang. Ayos na ito, nag-improve ako ng five seconds."

Malaking tulong ito para sa laban namin ni Rylee. Kung mas mabilis akong gumawa ng weapons kumpara sa reaction time niya, advantage ko na iyon. I destroyed the gun I created and absorbed the blood back to my sexy body.

Lumakas nga ako ng sobra at bumilis, hindi ko naman alam kung hanggang kailan ko ito kakayanin. Ang sabi ni Xenon sa akin—

"Ang dugo na nasa katawan ko ay galing kay Icarus. Ibibigay ko ito sa 'yo para matulungan kang kayanin ang lahat ng kakayahang kukunin mo. Pero hindi iyon magtatagal, kaya kailangan mong bilisan. Dahil kung hindi, mawawalan ka ng control sa lahat ng kakayahan na nakuha mo. Dahil hindi ka pureblood galing sa lahi ng mga Oselver. Hindi kaya ng katawan mong pasanin ang ganoong karaming kakayahan."

"—isa pang paalala, Seira. Ang lahat ng kapangyarihan na makukuha mo ay mababaliwala kung hindi mo makukuha ang kakayahan ni Keegan. Maniwala ka sa akin, Seira. Hindi mo matatalo si Rylee nang wala ang kakayahan ni Keegan."

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now