Chapter 67

128 12 0
                                    

Chapter 67

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 67

Nilapitan ko si Rima saka ko siya maingat na isinandal sa pader. Nang mapagmasdan ko siya ng mabuti, naawa ako sa kalagayan niya. Parang lantang gulay ang braso niya, lubog ang isang mata at hindi na maidilat ng maayos. Parang gusto ko siyang bigyan ng dugo para maghilom ang lahat ng sugat niya at bumalik sa dati ang kundisyon niya, kaso hindi naman puwede.

"Kaya mo pa ba?" I asked.

Rima smiled before nodding her head.

Alam ko, nagsisinungaling lang si Rima para hindi ako mag-alala sa kanya. Gusto ko siyang pilitin na magpadala kay Xenon. Pero matigas ang ulo ng isang ito. Mag-aaway lang kami kapag hindi ko pinakinggan ang gusto niya. Worst, baka tuluyan niya ang sarili niya kung magpupumilit ako. Ganoon katigas ang ulo ng babaing ito. Isa pa, alam ko na mayroon siyang mabigat na dahilan kung bakit gusto niyang masaksihan ang kahihinatnan ng mga plano niya.

"Sigurado ka ba? Sa nakikita ko sa 'yo parang hindi ka na aabot ng isang oras e."

"Ayos lang ako. Hindi ako takot mamatay. Handa naman ako."

"Ay wow huh? Ang sarap mong sampalin. Gusto kong gumawa ng paraan para mabuhay ka 'tapos ikaw ganyan ang iniisip mo."

Rima smiled again before closing her eyes completely. "Magpapahinga na lang ako rito. Huwag mo na akong isipin."

"Matutulungan ka ni Xenon kung madadala ka sa Pantalan kung saan naghihintay si Akeena. Kaya kang alalayan ni Keegan hanggang sa makita niyo si Mavrei sa daan. Tutal si Keegan naman ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan, Hayaan na natin na mahirapan siyang alalayan ka."

"Oy, oy, Seira, saglit," sabat ni Keegan.

"O bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah?"

"Una sa lahat, hindi ko kasalanan na ganyan ang kalagayan niya. Sinalo niya lahat ng atake ko at binabaan niya ang depensa niya sa paraang mas malaking damage ang matatanggap ng katawan niya. Pangalawa, sugatan din ako, hindi na nga ako makatayo. Pangatlo, tingin mo aalis kami rito sa Retina kung alam namin na maiiwan kayo ni Akkey dito? Mag-isip ka nga." Keegan explained while struggling to get up.

He said something amazing just now. I'm so proud.

Bang!

Napataas ang balikat ko sa gulat nang makarinig ako ng malakas na ingay. Hinampas na pala ni Rylee ang pader na nasa tabi nito na lumikha ng malakas na ingay nang mawasak. In short, nag-display siya ng physical strength sa harapan ko.

Nanlilisik ang mga mata ni Rylee. Hindi man sa akin nakatingin ang mga mata niya—dahil nasa loob siya ng ilusyon dahilan para hindi niya kami makita, alam ko na ako ang gusto niyang titigan ng masama. "Ano ang ibig sabihin ng mga naririnig ko?" Rylee asked.

Ito ang pinaka exciting na part. Iyong maipaparangya ko na sa wakas sa pagmumukha niya na naisahan namin siya.

"Huwag kang mag-alala, Rylee. Masaya akong ipaliwanag sa 'yo ang lahat. Iyang loyalty na naramdaman mo galing kay Keegan, sinadya niyang iparamdam iyon sa 'yo para magtiwala ka sa kanya. Lahat ng sinasabi ko na sa isip ko lang, sinasadya ko rin iyon, dahil alam kong maririnig mo ako. Mas makatotohanan kapag naririnig mo sa isip ko kung gaano ko siya kinamumuhian. Ang gusto namin, iyong mag-enjoy ka sa mga nakikita at naririnig mo. Iyong matuwa ka, na kayang pumatay ni Keegan kahit malapit pa niyang kaibigan, para lang paglingkuran ka. Para matakot kang mawalan ng tulad niya—na sobrang loyal sa 'yo at susundin ang lahat ng gusto mo. Para hindi mo gustuhin na magduda siya sa 'yo, to the point na ayaw mong may maririnig siyang ikasisira mo. Sinadya naming lahat iyon para lang sa kakayahan mong masyadong mahirap tapatan."

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now