CHAPTER 18

1.5K 77 2
                                    

CHAPTER 18 | LEVIRA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 18 | LEVIRA

Marami ang nagbulungan, nakapangalumbaba at mga mukhang nawalan ng gana. Iyan ang tingin ko sa mga kasama ko rito sa klase nang sabihin ni Heleina kung ano ang ituturo niya sa amin ngayong araw. Halata ko sa kanilang lahat na wala na naman silang interes sa sasabihin ni Heleina. Tulad na lamang kahapon nang ikuwento sa amin ni Heleina ang tungkol sa angkan ng Oselver. Sigurado ako na kilala rin nila si Razaro Alastair at alam na nila ang istorya sa likod ng organisayong Retina. Kaya iyan, nababagot na naman sila. Habang ako naman puno pa rin ng enerhiya.

Minsan talaga napapaganda rin kapag wala kang alam e.

"Sandali lang," sabi ni Rima. Tumayo siya at kasalukuyang tinataasan ng kilay si Heleina.

"Ano ang problema?"

"Hindi ko maintindihan kung bakit tumalon na tayo agad sa ibang pangalan. Pakiramdam ko kasi kulang pa ang impormasyon na sinabi mo tungkol sa angkan ng Oselver. Pati na rin ang tungkol sa naging buhay ni Icarus simula nang patayin niya ang buong angkan nila."

Sa isang kisap mata lang napunta na agad sa harapan namin si Heleina. Mabilis siyang kumilos, ni hindi ko man lang nasundan ang paggalaw niya.

"Hindi na mahalaga na malaman pa ang ibang detalye dahil hanggang ngayon na lang ang klase niyo sa akin. Gusto ni Rylee na mapadali ang training ninyong lahat dahil sa nangyari kahapon. Kaya naman si Skaia na ang gagamit ng oras ko simula bukas. Pero kung gusto mong malaman ang tungkol sa pamilya Oselver bakit hindi ka na lang magtanong sa leader niyo na si Akkey? Hindi ba't isa siyang Oselver?"

Gumanti ng masamang tingin si Rima kay Heleina. "Bakit si Akkey kung ikaw ang nagtuturo?"

Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Parang nakita ko na ang eksena na ito kahapon. Bakit ba lagi na lang may sagutan bago magsimulang magturo si Heleina? May dala ata siyang sumpa. Tumingin ako kay Akkey na nananahimik sa tabi ko.

Oy! Dawit ka na. Awatin mo kaya sila.

Tumingin sandali sa akin si Akkey saka napailing. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. "Hindi naman ako lumaki sa angkan ng Oselver para sa akin mo ipasa si Rima. At hindi pa ako napapanganak nang mapatay silang lahat ni Icarus. Kaya bakit hindi mo siya ipasa kay Seira. May icarus of time ito," sabay turo sa akin.

"Bakit idinawit mo pa ako e sangkot na nga ako sa gulo kahapon."

Mabilis na ibinagsak ni Heleina ang kamay niya sa table, sa tapat mismo ni Akkey. Lumikha iyon ng bitak na kaunting na lang ay masisira na nang tuluyan. "Oselver ang iyong Ina na si Akeena. Imposbile na wala kang alam."

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now