CHAPTER 58

1K 80 40
                                    

RETINA
THE POWER OF ICARUS
Written by SomeoneLikeK

RETINATHE POWER OF ICARUSWritten by SomeoneLikeK

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

"Welcome back, Seira."

My body started trembling when I heard Xenon's voice. All this time, I am still afraid of him. Malinaw pa rin sa alaala ko ang hirap na dinanas ko dahil sa kanya. Malakas na ako ngayon, kaya ko nang lumaban para sa sarili ko, pero naiiwan pa rin sa isip ko ang sinabi niya noon sa akin na—

"Sinabi ko na huwag kang malikot. Hindi ba, Seira?"

Hindi ko maihakbang ang mga paa ko para takbuhan siya. Para bang sinasabi sa akin ng katawan ko na huwag akong gagalaw—dahil ayokong masaktan. Akala ko kaya ko na siyang harapin at labanan, hindi pa rin pala.

Sinuntok ko ang hita ko sa sobrang inis, hanggang sa parang narinig kong bumulong sa tenga ko si Icarus. Fear no one, Seira. That's right. Iyan ang mga salitang kailangan kong marinig ngayon. Nagpaturo ako noon kay Icarus kung paano lumaban para sa mga malalapit sa puso ko. Dahil ayokong mawala sila sa akin. Kasalanan ko kung bakit nadamay sila ngayon sa problema ko, kaya dapat ako ang tumutulong sa kanila, hindi iyong ako pa ang pinagtatanggol nila. Kailangan kong umalis dito para hanapin si Rima at tulungan si Akkey. Kailangan ako ng mga kaibigan ko.

I let my strength consume all my fears and trembling body. I create hundreds of needles using my own blood and throw all of it in Xenon's direction. Lumayo sa akin si Xenon. At habang abala siya sa pag-iwas, tumakbo ako palabas ng Asareth.

I shouldn't waste my time. I need to find Rima. Gamit ang aking dugo, gumawa ako ng sampung agila at pinalipad sa iba't ibang direksyon. Ito ang paraan na ginamit ko para mahanap si Icarus sa imperium of time, kaya sigurado ako na makikita ko si Rima sa ganitong paraan—at hindi nga ako nagkamali.

South, near Klariston Station, nakita kong tumatakbo si Rima. Madali ko siyang nakita dahil hindi siya gaanong mabilis na tumatakbo, hindi tulad ng natural niyang bilis. Hinahabol si Rima ng limang magrei at dalawang dampri—nakabuntot naman sa kanila ang limang sundalo ng Adelbor.

Impressive. Mabilis kumilos ang mga sundalo ngayon kumpara nang una akong lumabas ng Retina Organization para sa isang misyon. Kanina ko pa naririnig ang announcement ng pamahalaan simula nang hanapin ko si Rima. Pinag-iingat nila ang mga tao na ngayon ay mukhang nakalikas na. Sigurado ako, dahil wala na akong naamoy na mabangong dugo sa paligid.

"Seira!" Xenon called.

Shit! Sinundan niya ako. Wala man lang siyang galos sa dami ng pinatama kong needle sa kanya. Sa bagay, marami siyang naiinom na dugo ng tao kumpara sa mga pureblood ng Retina Organization.

"Tingnan natin ang galing mo, Xenon Benforth. Masundan mo pa kaya ako?"

Agad akong nakipagpalit sa agilang nasa tabi ni Rima saka ko siya sinabayan sa pagtakbo.

RETINA : THE POWER OF ICARUSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant