CHAPTER 30

1.3K 77 16
                                    

Nakita ko iyang picture na nasa ibaba sa Pinterest. Hindi nakalagay kung sino iyong artist. Sad. Credit sa kanya. If ever kilala niyo iyong artist puwede niyo i-comment para ma-add ko rito ang name at link niya. Ito nga pala ang picture na napili ko for Levira Oselver Retina. Kung may tanong kayo sa akin, you can add me on facebook. Kae Razon. Same DP. Message niyo ako para malaman kong reader ko kayo at ma-aacept ko. Enjoy reading and God bless.

 Enjoy reading and God bless

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 30 | TOWER

Sumandal si Icarus saka itinaas ang paa sa malaki at mahabang lamesa. "Siguraduhin mo lang na hahanapin mo ako dahil hindi naman kalakihan itong Asareth para hindi mo ako makita."

Itinaas ko ang aking kanang kamay. "Promise. Hahanapin kita."

"Good, Ms. icarus of time."

Nginusuan ko si Icarus at nagsalubong naman ang kilay niya.

"Humihingi ka ba ng kiss?" nagtatakang tanong niya.

Bigla akong natawa dahil sa sinabi ni Icarus. Ngumuso lang ako naghahanap na ng kiss? Sobrang advance naman ata niyang mag-isip. "Ngumuso ako dahil tinatawag mo akong Ms. icarus of time. Para sa kaalaman mo dahil baka nakalimutan mo na, Seira ang pangalan ko."

"Alam ko."

Alam mo naman pala e!

Inilapit ko ang aking mukha kay Icarus. "Tawagin mo akong Seira. Sei. Ra. Dali na."

Hindi umimik si Icarus kaya dinutdot ko ang pisngi niya. "Uy, sasabihin na niya iyan. Sige na, Icarus."

"Ayoko."

Plain lang ang naging reaksyon ni Icarus. Halata na hindi siya magpapauto sa pang-aasar na ginagawa ko sa kanya. Alam naman pala niya kung ano ang pangalan ko pero bakit hindi niya ako tawagin sa pangalan ko? Para tuloy kaming walang pinagsamahan kahit ilang ulit na kaming nagkita at nagkausap. Feeling ko tuloy ang layo niya sa akin kahit katabi ko lang siya. Sabagay, malayo nga pala siya dahil galing siya sa nakaraan. Nabubuhay na siya hindi pa ako naipapanganak.

"Hindi pa ba kaibigan ang tingin mo sa akin, Icarus?"

Bumuntong-hininga si Icarus. Hindi pa siya nagpapaliwanag para na siyang pagod na pagod sa pagsasalita. "Dayo ka lang rito sa panahon namin, wala akong dahilan para kaibiganin ka."

Alam ko hindi dapat pero nasaktan ako sa sinabi ni Icarus. Dayo lang ang tingin niya sa tulad ko. Isang dayo na ano mang oras biglang mawawala o basta na lang susulpot. Ayaw niya akong maging kaibigan. Kahit mabait naman ako sa kanya. Madali ko nga lang naging kaibigan ang buong team Cornea. Bakit sa nag-iisang suplado na ito nahihirapan ako?

RETINA : THE POWER OF ICARUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon