CHAPTER 61

1K 66 25
                                    

RETINA
THE POWER OF ICARUS
Written by SomeoneLikeK
---------------------------------------
CHAPTER 61
BLUE

"She requested it herself," Icarus answered.

Levira Oselver Retina is a crazy woman. Anong pumasok sa isip niya at hiniling niya pa mismo kay Icarus na patayin siya? She's out of her mind. Kung hindi ko iyon narinig mismo kay Icarus, baka hindi ako maniwala.

Inakbayan ni Igara si Icarus. I can see in his eyes na nag-aalala siya, so am I. "It must have been painful, na kunin ang buhay ng sarili mong kaibigan. Pasensya ka na—wala kami sa tabi mo nu'ng mga oras na 'yon."

Icarus smiled and said, "thank you."

Yep, my boy is touched.

"He's a good man," I said.

"Icarus?" Xenon asked.

"Yes he is. But I'm talking about your Father."

"Thank you, Seira."

Sounds like a proud son.

"I am. Siya ang nagturo nang lahat ng nalalaman ko na nagamit ko sa tama."

Hindi na ako nagsalita ulit dahil feeling ko hahaba ang usapan naming dalawa ni Xenon. Ramdam ko na maraming laman ang sinabi niya. Kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko sa pinto papunta sa nakaraan para iparating sa kanya na 'tapos na kaming mag-usap.

Narinig ko kanina na nagsalita si Julian pero hindi ko na naintindihan ang sinabi niya dahil kausap ko si Xenon kanina.

Nang bumitaw si Igara kay Icarus, bumaling ang tingin niya kay Julian Alastair, asawa ni Akeena. "Ano kaya ang dahilan ni Levira para maisip niya iyon?"

I chuckled because of what Igara did. After niyang damayan si Icarus, pasimple na siyang nagtanong ng dahilan kay Julian sa pagbabakasakali na si Icarus ang sumagot sa kanya. How clever.

Xenon chuckled, nang pitikin ni Icarus ang tenga ni Igara.

"Iba ka rin ha," Icarus said. He's not annoyed. Which is a good sign na hindi siya galit.

"Sorry, hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi magtanong eh," Igara said.

"As far as I can remember, Edison and Levira broke up that day. Dumaan pa siya sa Restaurant namin at sinabi niya na magpapakasal na si Edison. Siguro iyon ang dahilan?" Julian explained.

Isinara ni Xenon ang pinto saka niya binuksan iyong panglima.

Nasa Restaurant sina Igara, Icarus, Akeena at Julian nang mapanood nila sa balita na mayroon nang bagong Presidente ang bansang Eves, makalipas ang dalawang buwan simula nang mamatay si Edison Ladsen. Ang unang inutos ng bagong Pangulo ay patayin ang lahat ng bampira sa bansang Eves. Ipinakilala rin ang mga inventor na gagawa ng mga weapons laban sa mga bampira.

"I will do something about this. I promise," Igara said.

Nagmamadaling lumabas si Igara sa Restaurant sakay ng isang two-wheeler vehicle. Pumunta siya sa opisina ng Presidente. Hinayaan lang siyang pumasok sa loob after niyang ipakita ang I.D niya sa mga sundalo.

Nasa pintuan pa lamang si Igara, lumuhod na siya sa harapan ng Pangulo.

"Ano ang kailangan mo sa akin, Igara?"

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, may suggestion ako, Mr. President."

"About what?"

"Sa mga bampira."

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now