CHAPTER 2

4K 153 6
                                    

CHAPTER 2 | RAZAFREI

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 2 | RAZAFREI

"—ning."

"—morning."

"Good morning."

Galit akong bumangon dahil sa boses robot na paulit-ulit kong naririnig malapit sa tenga ko na paulit-ulit lang din naman ang sinasabi.

Nang tumingin ako sa paligid, nagsalubong ang kilay ko nang malaman kong ang boses robot na naririnig ko ay mula sa isang orasan na nasa tabi ng unan na gamit ko. Maliit na box iyon na gawa sa metal na de-susi.

Weird. Bakit hindi ito humihinto sa kakasalita? Paano kapag gabi na good morning pa rin?

Ito ang unang beses na nakakita ako ng robot na mukhang kahon na de-susi. Marami akong nakitang sirang robot noon sa Asareth. Maganda itsura kahit sira na. Hindi tulad ng isang ito na parang hindi pinag-isipan ang disenyo. Parang basta ginawa lang.

"Good morning," ulit pa nito.

Kinuha ko iyong orasan na nagsasalita, saka ko pinilit na iikot iyong susi sa pagbabakasakali na iyon ang magpapahinto sa eskandalosong orasan na ito. Pero hindi ako pinalad, dahil hindi nahinto sa kakasalita ang lintik na orasang ito.

Dapat ba akong sumagot?

"Good morning," ulit muli nito.

"Good morning din?"

Sa gulat ko, bigla kong naibato sa sahig ang orasan na hawak ko nang kusang umikot iyong susi na nasa gilid nito. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang sumulpot ang dalawang mahabang kamay ng robot na galing sa gilid ng kamang hinigaan ko.

"Wait! Time-pers! Ano ang gagawin mo sa akin?"

Napapikit ako sa takot. Ilang segundo rin ang lumipas nang buksan ko ang isa kong mata para silipin ang nangyayari, dahil wala akong nararamdaman na kahit ano sa paligid. Kusa na lang dumilat ang isa ko pang mata nang makita ko na tinitiklop nu'ng dalawang kamay ng robot ang kumot na gamit ko kanina.

"Robot na... maid?"

Matapos nitong maitiklop iyong kumot. Ipinatong iyon sa ibabaw ng unan. Dahan-dahan akong umiwas sa kamay ng robot dahil baka pati ako maitiklop. Mahirap na.

Sinundan ko ito ng tingin at nakita kong inuunat naman nito ang sapin ng kama. Dahan-dahan akong umalis sa kama. Pinanood ko itong magligpit. At napanganga na lang ako nang lamunin ng sahig ang buong kama matapos unatin iyong sapin. Nawala na rin iyong dalawang kamay ng robot. Kasabay nu'n ang paghinto sa pag-ikot ng susi sa orasan na ibinato ko.

Buti na lang pala umalis ako sa kama. Kung hindi goodbye bansang Eves ako.

Tumingin ako sa buong paligid. Pakiramdam ko mababaliw ako rito. Isa itong malaking silid na tila aabot sa sampung metro ang laki. Kulay puti ang lahat ng pintura at walang laman kahit isa ang kuwartong ito. Maliban sa kama na hinigan ko kanina na nilamon na ng sahig.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now