CHAPTER 25

1.4K 76 7
                                    

CHAPTER 25 | ARM BRACELET

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 25 | ARM BRACELET

Nang makalabas kami sa Bisque, Building B ng Retina, napansin namin na nagkukumpulan ang team Falcon, Phoenix, Bule Whale at Hundreds sa looby. Kasama nila roon ang balot na balot na si professor Skaia. Malapit sila sa entrance papunta sa Endive, Building E. Ang karamihan sa team na naroon ay nagbabanat na ng buto habang iyong iba ay nagkukwentuhan lang. Mayroon din namang nakahiga lang sa lapag na para bang sa kama nahiga.

"Dito ba tayo sa lobby magkaklase?" tanong ni Keegan.

Ito na naman iyong mga tanong ni Keegan na baliko. Una, hindi namin alam ang sagot dahil pareho kaming mga bagong dating. Pangalawa, impyerno ang ipaparanas sa amin ni professor Skaia, mukhang labanan iyon dahil inabisuhan kami ni professor Vandor na mag-ensayo. Kung dito kami sa lobby magkaklase, maraming bampira ang madadamay dahil dito naglalakad ang lahat papunta sa iba't ibang building. At baka masira itong lobby.

"Siguro? Malawak naman itong lobby," tugon ni Mavrei.

Seryoso ba sila? Oo nga at malawak itong lobby ng Retina. Dahil iyon sa konektado ito sa limang building na itinayo paikot dito sa lobby. Iyon ang building Alfalfa, Bisque, Cumin, Dill at Endive. Nakarating na ako sa building Alfalfa dahil nandoon ang kuwarto ni Rylee. Sa Bisque naman makikita ang kuwarto ng bawat team at dalawa sa kuwarto roon ay klase namin kina Heleina at professor Vandor. Sa Cumin naman makikita ang kuwarto ng klase namin kay professor Skaia. Iyong ibang building hindi ko pa napupuntahan. Natatanaw ko lang iyon sa tuwing dumadaan kami rito sa lobby.

"Hindi rito sa lobby ang klase natin," sabi ni Akkey. Alam naman pala niya kung saan.

Habang palapit kami sa ibang team, ang ngisi agad ni Larena ang napansin ko. Sigurado ako na mayroon na naman siya sasabihin laban sa team namin. Sabagay, hindi naman siya nawawalan ng sasabihin sa team namin.

"Sa wakas! Nandito na ang mga pa-importante," sabi ng nakapamewang na si Larena. Pasalamat siya dahil wala ako sa mood na patulan ang pang-aasar niya, kaya nanahimik na lang ako. At hindi kami late. Maaga lang talaga sila.

"Masyado pa kayong maaga para bukas ha," dagdag pa nito.

Masama ang naging tingin ni Keegan kay Larena. "Malabo na ba ang mata mo? O baka naman— hindi ka marunong tumingin ng oras? Maaga pa kami ng six minutes kung hindi mo nalalaman."

"Hah—" ngumisi si Larena saka tinaasan ng isang kilay si Keegan. "At ipinagmamalaki mo pa?"

Nakaramdam ako ng tensyon nang lapitan ni Keegan si Larena. Sobrang lapit na halos kaunti na lang magkakaumpugan na silang dalawa. Hindi man lang natinag si Larena sa puwesto nito. Nakipagtitigan pa talaga ito ng masama kay Keegan.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now