CHAPTER 6

2.5K 122 2
                                    

CHAPTER 6 | RETINA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 6 | RETINA

Lumayo ako sa lalaking ninakawan ko ng dugo. At nandidiri ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko kulang pa ang dugong nainom ko mula rito. Kulang pa, na halos gusto kong ubusin ang lahat ng dugo nito sa katawan bago ako makuntento.

Kailangan ko siyang paalisin dito.

Nanginginig ang kalamnan ko sa pagnanais na ituloy ang ginagawa kong pag-inom ng dugo. Na para bang natural ko na lang iyon gagawin. Pero pinigilan ko ang aking sarili dahil ayokong mabuhay na tulad sa mga bampira. Ayoko. Hindi ko sila tutularan. Isipin ko pa lang na lalayuan na ako ng mga tao at pag-iisipan nang hindi maganda, nanliliit ako. Lalo na ngayon na para akong maluluha dahil isa-isa ko nang nakikita ang katibayan na hindi na ako isang tao.

Huminga ako ng malalim upang ikalma ang sarili ko na tila gustong magwala. Nang punasan ko ang aking labi, nasuka ako nang makita ko ang dugo sa aking palad. Sumuka ako ng tubig at kaunting dugo.

"Ganyan mo pandirihan ang dugong kinuha mo sa akin nang walang paalam?"

Mabilis na nabaling ang aking tingin sa binatang nasa aking tabi. Gising na ito at maihahalintulad sa itsura ng alon ang pamumula ng mga mata nito. Akkey. Iyon ang pangalan nito ayon sa narinig ko mulay kay Rylee.

Umiwas ako ng tingin nang mapagmasdan ko ang leeg nitong naghihilom. "Patawarin mo ako sa nagawa ko. Hindi ko na uulitin. Kaya nakikiusap ako. Umalis ka na rito."

Pinigil ko ang aking sarili na huwag manakit nang marinig kong tumawa si Akkey nang sandali. Iyong tawa na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko at minamaliit niya ako.

"Walang pureblood na hindi umiinom ng dugo, Seira."

Nabaling muli ang tingin ko kay Akkey. "Kilala mo rin ako?"

Mahigpit kong hinawakan ang kanang braso ko nang makita kong tumayo na si Akkey. Tipong babaon sa balat ko ang aking kuko. Gusto kong makaramdaman ng sakit dahil pakiramdam ko maigagapos ko si Akkey para hindi siya makaalis at mainom ko ang dugo niya. Marami nang napasok sa isip ko na hindi maganda.

"Nasabi na ni Rylee ang tungkol sa iyo bago ka pa madala rito."

"Nasabi niya lang. Pero hindi mo alam ang itsura ko."

"Barcode. Ibig sabihin, produkto ka ng Razafrei. Isa ka sa ililigtas dapat ni Rylee. Pero mukhang nahuli siya."

Mukhang makikilala ako nang lahat dahil sa barcode na nasa leeg ko. Ayokong makilala bilang isang produkto na para bang ginawa ako para sumunod lang sa kung ano ang dapat kong gawin. Na para bang wala akong kalayaan. Parang wala akong halaga. Mabubura ko pa kaya ang barcode sa leeg ko? Sana...

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now