CHAPTER 11

1.7K 89 1
                                    

CHAPTER 11 | TEAM CORNEA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 11 | TEAM CORNEA

Matagal kaming tiningnan ni Skaia. At syempre hindi ako nagpahuli, tiningnan ko rin siya. Inaantay ata niyang baguhin namin ang naisip naming pangalan, bagay na hindi naman mangyayari kahit tunawin pa niya kami sa tingin. Kanina pa naman natunaw ang mga utak namin kakaisip kaya ayos lang.

"Siguraduhin niyo lang na malilinaw ang mga mata niyo."

Ako pa ba? Twenty-twenty ito! Kahit pores mo makikita ko.

Masama ang hilatsa ng mukha ni Skaia nang talikuran niya kami. Ang tingin niya siguro sa team namin ay hindi seryoso at handa lang magloko. Sa hirap mag-isip ng magandang pangalan para sa team namin, wala na kaming naisip kundi ang Cornea. Lalayo pa ba kami e nandito kami sa Retina. Pero ipapakita namin sa kanila na hindi nasusukat sa pangalan ang diterminasyon at pagsisikap. Pasisikatin namin sa organisyong Retina ang Cornea!

Sunod na tinanong ni Skaia ang team ni Larena. "Ano ang sa inyo?"

Taas noong sumagot si Larena. "Team Falcon."

Woo hoo! Akala mo naman kung sino silang magaling. Tutulad din naman pala sa amin. "Siguraduhin niyo lang na marunong kayong lumipad ha."

"Mas disente pakinggan kumpara sa Cornea," sabi ni Skaia.

Ay wala ito, mayroong favouritism. Liit din ng taste nitong si Skaia, sosyal kaya pakinggan ang Cornea. At hindi mabubuo ang buong mata nila kung wala ang cornea. Korni niya.

Lumipat ang atensyon ko sa isang member ng team namin na si Mavrei nang bigla itong tumayo. Umaarte ito na kunwaring lumilipad habang natalon. Kunawari pang napagaspas ang magkabilang kamay nito na kapantay lang ng balikat. "Isa akong, Falcon."

"Sira! Hindi naman falcon iyan. Bibe iyan," natatawang sabi ni Rima.

Biglang tumayo ang mukhang confident na si Keegan. "Ganito ang tama. Panoorin niyo ako," ipinakita nito ang tamang itsura ng paglipad ng isang falcon. Ginalaw pa nga namin ang damit nito para mag mukhang nililipad.

Kahit sinigawan na kami ng malakas ni Skaia, hindi kami huminto. Siguro isa lang ang pumasok sa isip naming lahat sa team Cornea. Hindi disente ang tingin ni Skaia sa team namin. Kung hindi siya pantay tumingin sa bawat team na nandito, wala siyang karapatan na magturo. Dahil kung ayaw niya sa team namin, kami lang ang pag-iinitan at pahihirapan niya. Tapos ano? Iyong ibang team ang laging tama? Hindi kami papayag!

"Team Cornea! Hindi niyo ba ako naririnig?!"

Ang mabait naming leader na si Akkey ang sumagot kay Skaia. "Ay sorry, hindi ka namin narinig. Mata lang kasi malinaw sa amin e. Hindi pandinig."

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now