CHAPTER 31

1.3K 89 22
                                    

Hello! Ang picture na nasa ibaba ay si Kunihiro ng Touken Ranbu. Siya ang napili ko for Rylee Vanwing Alastair. Nakuha ko ang picture na iyan sa Pinterest at hindi ko na naman alam kung sino ang artist. Credit sa kanya. Paalala, medyo mahaba pa itong Retina. Kasi marami pang walang check sa bagong guide na ginawa ko. Lol. Enjoy reading and God bless.

 Enjoy reading and God bless

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 31 | READY

"Inaasahan ko ang tulong ninyong lahat para—" nagkatinginan ang mga leader ng Retina Organization na nasa likod nang biglang manahimik si Rylee. Ganoon din ang naging reaksyon naming mga mayroong team.

May masakit kaya sa kanya?

"Wala naman siguro. Baka nakalimutan niya lang sasabihin niya," tugon ni Akkey nang sa isip ko lang naririnig. Hindi ko naman siya tinatanong. Nawala lang sa loob ko na maririnig nga pala niya ang nasa isip ko.

Kung ako ang tatanungin, hindi iyon ang nakikita ko.

"Bakit ano ba ang nakikita mo?" tanong ni Akkey nang sa isip ko lamang muli naririnig.

Pansin ko na hindi na niya kayang ituloy ang kung ano man ang gusto niyang sabihin. Parang mawawasak na siya pag pinagpatuloy pa niya. Pakiramdam ko nga gusto niyang lumabas dito sa meeting room.

Nanlaki na lang bigla ang mga mata ko nang magsalita nang malakas si Akkey.

"Ayos ka lang ba, Rylee?"

Tinamaan ka ng isa. Para siyang nagtanong sa barkada niyang hinahapo lang kakatakbo. Wala akong naramdamn na concern sa tono ng pananalita ni Akkey. Sobrang plain lang ng tono na akala mo boring na boring siya sa buhay niya at naghahanap lang siya ng tatanungin.

"Hindi ba ako mukhang maayos, Akkey?" tanong ni Rylee.

Sumadal si Akkey saka nag-unat na parang nasa bahay lang. "Kung ako ang tatanungin, mukha namang ayos ka lang. Hindi mahahalata sa mukha mong may malaki kang problema," sabay turo ni Akkey sa akin. "Pero para sa kanya— mukhang hindi ka maayos."

Puwede ba, Akkey John Oselver Alastair, huwag mong ilabas sa iba ang pinag-uusapan natin!

Tumingin sa akin si Akkey. "Mukha kasing concern ka sa kanya. Nanahimik lang nag-aalala ka na agad. Akala ko ba hindi mo siya magugustuhan?"

Naku, Akkey. Tigilan mo ako. 'Tapos na ako magpaliwanag diyan.

"Seira."

Napatingin ako kay Rylee nang tawagin niya ako.

"Ayos lang ako. Salamat sa pag-aalala mo."

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now