CHAPTER 15

1.4K 79 1
                                    

CHAPTER 15 | POCKET WATCH

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 15 | POCKET WATCH

"Painumin kaya natin siya ng dugo?"

Si Mavrei ba iyong narinig ko?

"Mavrei, naman. Paano siya iinom wala nga siyang malay 'di ba?"

Tama ako. Si Mavrei nga. Kasama niya si Akkey. Pero sino ang walang malay—

Iminulat ko agad ang aking mga mata nang maalala kong nawalan nga pala ako ng malay kanina. Kasabay nito ang pagkawala ng tinig nina Mavrei at Akkey. Ano ito? Nasaan ako? Alam ko sa sarili ko na nagkaroon na ako ng malay at naimulat ko na ang aking mga mata. Ang ipinagtataka ko ay bakit ibang-iba sa nakikita ko ang nararamdaman ko ngayon. Magaan ang aking pakiramdam at para akong nakahiga sa isang malambot na kama. Pero sa nakikita ko— nakatayo lamang ako sa isang lugar na nababalot ng kadilimam.

Nasaan na iyong hallway kung saan ako hinimatay kanina? Nawalan ba ng kuryente?

Pero hindi. Sinasabi ng isip ko na mayroong kakaiba sa lugar na ito. Ramdam ko na mayroong nakahawak sa aking kamay at alam ko na si Akkey iyon dahil siya lang naman ang kasama ko kanina. Pero bakit hindi ko siya nakikita sa tabi ko ngayon? O kahit si Mavrei na naririnig kong nagsasalita kanina. Base sa nakikita ko, wala ako sa lugar kung saan ako nawalan ng malay. Pero nasaan ako? Sigurado rin naman ako na hindi ito ang icarus of time dahil walang mga pinto at pocket watch sa paligid.

Huminga ako ng malalim upang ikalma ang aking sarili. Hindi rin ako umalis sa aking kinatatayuan. Dahil kung maglalakad ako palayo, mahihirapan akong bumalik. Wala akong maaaring maging palatandaan kundi kadiliman. Mabuti na ang nag-iingat.

Sa natatandaan ko, bigla lamang akong nanghina nang makarinig ako ng boses ng isang lalake. Tinatanong ng lalaking iyon kung nakikita ko siya. At alam niya ang pangalan ko. Pamilyar ang boses niya pero hindi ko matandaan kung saan ko iyon narinig. Hindi kaya siya ang dahilan kung bakit ako nandito?

Susubukan ko.

Tumingin ako sa kawalan at sumigaw ng malakas.

"Sino ka!? Ano ang kailangan mo sa akin!? Narinig kita kanina! Kaya lumabas ka na!"

Walang sumagot sa akin kahit ilang ulit akong sumigaw ng malakas. Sinubukan ko pa nga sumigaw sa iba't ibang direksyon. Pero wala talaga. Hanggang sa maaninag ko ang isang makinang na bagay sa lapag mula sa 'di kalayuan. Ilang ulit kong tinatanong ang sarili ko na, lalapit ba ako para tingnan? O dito lang ako para hindi ako maligaw? Bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na humakbang palayo upang puntahan ang makinang na bagay na aking nakita, iniwan ko sa aking kinatatayuan ang suot kong sapatos. Nang makalapit ako, hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Isa iyong—

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now