CHAPTER 56

1K 71 30
                                    

Nang makapasok ako sa pinto ng nakaraan, sinalubong ako ng malakas na ulan at madilim na kalangitan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang makapasok ako sa pinto ng nakaraan, sinalubong ako ng malakas na ulan at madilim na kalangitan.

Sinubukan kong saluhin ang tubig ulan pero tumagos lamang iyon sa palad ko. "Ang sagwa tingnan ng katawan ko. Para akong nagiging transparent. Kailangan kong maghanap ng lilim mamaya pag nag-confess ako, para hindi naman ako weird tingnan. Oh well. Nasaan na nga ba ako?"

Pinagmasdan ko ng mabuti ang buong paligid na tila pamilyar sa akin. Wala akong nakikitang ibang bampira o kahit na tao. Para itong lugar na inabanduna. Puro lumot na ang mga bahay at marami nang sirang gamit na nakakalat sa paligid. Para itong dadaanan ng malakas na bagyo at lumikas na lang ang mga tao sa pagmamadali. Limang poste ng ilaw na lamang ang gumagana, mahina pa ang lingas, tipong malapit nang mamaalam. Iyong isang poste ng ilaw may pa-disco pa.

Naglakad ako para silipin ang mga daanan na natatanaw ko. Maraming pasikot-sikot. Mukhang mahihirapan akong hanapin si Icarus. Pero ang alam ko dapat malapit lang siya sa akin. Alam ko na—

"Icarus Oselver! May bisita ka!" I shouted. Baka sakaling marinig niya ang boses ko.

Nabaling ang tingin ko sa bandang kaliwa nang makarinig ako ng mga yabag mula sa direksyong iyon. Sa naririnig ko, walo ang mga taong paparating at mayroong isang mabilis tumakbo na sa tingin ko ay bihasa nang bampira. Tahimik ang yabag ng isang iyon, hindi tulad sa yabag ng mga tao na mabibigat pakinggan.

"Hanapin niyo! Bilis!" Dinig kong sabi ng isang lalake.

"Wait. Parang sobrang pamilyar nito sa akin," I whispered.

Kumabog ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi ako maaaring magkamali. Ang lugar na ito, ang boses ng lalaking narinig ko. Ito ang nakita ko noon sa imperium of time nang tingnan ko ang nakaraan ni Raya.

"Alam ko na ang susunod kong makikita."

Nilingon ko ang maliit na eskinita sa pagitan ng dalawang malaki at luma nang bahay. Doon ko natanaw na ibinaba ni icarus ang sugatan at hirap na sa paghinga na si Raya.

Malinaw kong narinig ang sinabi ni Icarus kay Raya. "Dito ka na lang muna, Raya. Hindi ka nila sasaktan kung sakaling makita ka nila rito. Kaya huwag ka nang umalis dito para hindi na lalong magdugo ang mga sugat mo."

Mahigpit na hinawakan ni Raya ang braso ni Icarus. "Hindi. Isama mo ako kung saan ka man pupunta."

"Tingnan mo ang mga mata ko, Raya."

Matindi ang pag-iling ni raya kay Icarus. "Hindi. Ayoko! Alam ko na gagamitin mo lang sa akin ang kapangyarihan mo."

"Hindi ka maaaring sumama sa akin. Dahil nakapagdisisyon na ako sa gusto kong gawin. At kailangan mong mabuhay. Kasi hindi ko alam ang gagawin ko kapag namatay ka."

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now