CHAPTER 45

1K 63 23
                                    

"Seira

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Seira..." Mavrei called.

Nakasimangot ako nang sandali ko siyang lingunin bago ako muling tumingin sa daanan. Wala akong nakitang inis sa ekspresyon ng mukha niya. Hindi tulad ko na parang sasayad na ang nguso sa lupa.

"Bakit?" I asked.

"Kumalma ka puwede?"

"Kalmado na ako nito."

Hinawakan ni Mavrei ang braso ko at agad akong napahinto sa paglalakad. "Maniwala ka sa akin hindi ka kalmado. Pakiramdam ko sa mga hakbang mo parang sisirain mo ang buong kalye rito," bulong ni Mavrei. Kasama ko siyang naglalakad sa kalye ng Eves pabalik sa Retina Organization.

"Sorry naman. Gusto ko na kasing makauwi."

"Ako rin naman eh."

Sinulyapan kong muli si Mavrei. Malungkot na ang itsura niya at mukhang nag-aalala. Binitawan niya ako at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Oh 'di dapat naiintindihan mo ako."

"Alam ko ang nararamdaman mo, Seira. Kahit naman ako nakakaramdam ng galit. Pero hinay lang sa paglalakad. Kasi baka mapansin ng mga tao na masyadong malakas ang yabag mo. Tayo ang mapapahamak sa ginagawa mo. Tsaka wala naman mapupuntahan ang galit nating dalawa. Nakikisukob lang tayo sa Retina Organization para sa proteksyon na kailangan natin at wala tayong karapatan magreklamo sa kung ano ang gustong gawin ng pinuno natin. Ano man ang paraan niya para masiguradong ligtas tayong lahat. Kailangan pa rin natin sumunod sa kanya," bulong ni Mavrei.

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala nga ba talaga akong magagawa? Sabagay, nangyari na. Hindi ko na iyon maibabalik pa. Pero ang resulta ng ginawa ni Rylee, puwede ko pa naman gawan ng paraan. Kahit iyon na lang sana.

"Sorry. Aayos na ako sa paglalakad. Pero kakausapin ko pa rin siya tungkol sa ginawa niya."

"Naiintindihan ko, Seira."

Sa totoo lang, sobra ang inis ko sa ginawa ni Rylee sa mga tao at hindi ko iyon maitago. Ginamit niya ang mahirap na kalagayan ng mga tao para dumami lang ang mga bampira na lalaban para sa amin.

Para siyang humingi ng tulong sa mga taong kinamuhian niya ng sobra. Isa pa, hindi naman pangalawang pagkakataon para mabuhay ang ibinigay niya sa mga taong mayroong malubhang karamdaman. Kundi panibagong pasakit. Habang buhay na silang ituturing na iba sa lahat na kailangang ubusin.

Ang masaklap pa nito, malalagay sa panganib ang lahat ng bampira dahil sa ginawa niya. Lalo lang maghihigpit dito sa Eves. Dahilan para mas mahirapan ang mga dampri na magdala ng dugo para sa mga pureblood sa Retina. Kasama na rin kaming mga lalabas ng Retina Organization para sa misyon na ibibigay sa amin ni Rylee. Higit sa lahat, malalagay sa panganib ang ibang bampira na wala sa ilalim ng proteksyon ng Retina Organization.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now