CHAPTER 46

828 47 12
                                    

CHAPTER 46 | HOME

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

CHAPTER 46 | HOME

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa nakaraan ni Rylee. Malay ko ba kung ilang taon na siyang nabubuhay. Mahirap hukayin ang buhay niya na lumipas na ng mahabang panahon. Hindi ko iyon kayang isa-isahin para lang malaman ko kung anong dahilan ng galit niya sa mga tao.

Tingin ko magiging literal na lang muna ako. Tutal wala naman akong maisip na ibang paraan at wala namang mawawala kung susubukan ko ang ganitong style sa imperium of time.

"Hindi ko pa ito nasubukan tanungin sa iyo noon. Pero ito, susubukan ko na para malaman ko ang hangganan mo. Imperium of time, gusto kong makita ang dahilan kung bakit pumayag si Rylee sa pakiusap ng batang nakita niya sa ospital kanina. Gusto kong malaman kung bakit galit siya sa mga tao."

Tumitig ako sa kawalan nang ilang minuto pero wala pa rin lumalabas na pinto sa harapan ko. Para tuloy gusto ko mang-bully hanggang sa makuha ko iyong gusto ko.

Bumuntong-hininga ako saka umiling. "Hay, buhay." Pinuno ko ng pagkadismaya ang mukha ko nang magsimula akong maglakad. "Grabe. Ang daming pinto rito para isa-isahin ko pa. Pero nakakapagtaka ha. Alam mo lahat ang nakaraan at hinaharap ng kahit na sino pero iyong hinihingi ko hindi mo maibigay? Hina mo pala 'no? Para iyon lang hindi mo pa magawa."

Nanahimik ako ng ilang sandali sa pagbabakasakali na makuha ko ang gusto ko sa paraan ng panlalait. Pero wala, wala akong napala.

"Akala ko pa naman matutulungan ko."

Isang malaking pinto ang tumama sa braso ko dahilan para mapahakbang ako palayo. Akala ko tatalsik na ako sa sobrang lakas. As in ramdam ko iyong sakit. Buti na lang malakas na ang binti ko ngayon, napigil ko pa.

"Ano ba! Nananakit ka na talaga?!"

Iyong malaking pinto na tumama sa akin ay biglang bumukas at isang parang gintong kamay ang humawak sa damit ko at basta na lang akong itinapon papasok sa loob ng pinto.

"Wala ka talagang modo!"

Nang tumilapon ako, nasilaw ako sa matinding liwanag. Hindi ko inasahan na kailangan ko lang talaga madismaya bago mag-react ang imperium of time sa akin. Hindi ako makapaniwala. Para siyang tao na nakakausap. Tipong may sariling feelings. Pero ang creepy isipin.

Nang mawala iyong nakakasilaw na liwanag, nakita ko na lang na tumagos ako sa isang malaking pader bago ako tuluyang napahiga nang nakatihaya sa malambot na carpet.

Hindi ko alam kung bakit medyo nadismaya ako sa itsura ng kuwarto kung saan ako napadpad. Feeling ko kasi palagi sa kuwarto ako ni Icarus mapupunta kapag galing ako sa imperium of time.

Tumayo ako at sinipat ang buong kuwarto.

Sa dami ng litratong nakita ko rito feeling ko kuwarto ito ni Shenna. Siya kasi ang may pinakamaraming picture. Kahit bata pa siya sa mga picture na nandito, sigurado ako sa siya iyon. Hindi naman kasi masyadong nagbago ang itsura niya.

RETINA : THE POWER OF ICARUSNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ