CHAPTER 55

896 71 37
                                    

CHAPTER 55 | LAST VISIT

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 55 | LAST VISIT

My eyes went round nang makita ko ang malaking battle arena sa gitna ng Underground City dito sa Building E, Endive. Nasabihan ako kanina ni professor Vandor na mayroon silang ginawang battle arena para sa laban namin ni Rylee ngayong araw. Hindi ko lang inasahan na sobrang laki pala ng ginawa nila. Kung titingnan, parang sampung dipa ang laki ng battle arena na ginawa nila. Dalawa lang naman kami ni Rylee na maglalaban nilakihan pa nila itong arena.

However, this battle arena is a little weird, I guess? Walang flat surface ang arena na ginawa nila. Sobrang daming bato na nakaangat, iyong iba nakatagilid na. Mahihirapan akong kumilos ng sobrang bilis dahil malaki ang tendency na ma-out of balance ako. Hindi pa nga sila nakuntento, nagkalat pa sila ng mga sirang statue kung saan-saan. Ang malala, maraming tuyong dahon at sanga ng puno ang nakakalat. Maingay tapakan ang mga iyon, mahihirapan akong likuran si Rylee kahit anong bilis ang gawin ko. Isa pa, magliliparan lang ang mga dahon na iyon.

Mukhang napaganda na maaga akong pumunta rito. I still have time para umisip ng magandang strategy.

After one hour, isa-isa nang dumating ang mga leaders ng Retina Organization. Unang dumating sa kanila si professor Vandor, sumunod ang dalawang maliit na sina Skaia at Van, huling dumating ang masama makatingin na si Heleina.

Leaders lang ng Retina Organization ang maaaring manood sa laban namin ni Rylee kaya hindi ko naisama ang nagturo sa akin na si Akkey. Gusto ko pa naman na makita niyang madadala ko sa tagumpay ang mga naituro niya.

Lumapit sa akin si professor Vandor. "Mukhang handang handa ka na ah."

"Kahapon pa actually."

Professor Vandor nodded. "I see. You look determined. Ipapaliwanag ko sa iyo ang mga rules. Maaari mong gamitin ang lahat kakayahan mo pero hindi ka maaaring magdala ng sandata na makikita mo rito sa Retina. Lilinawin ko, ang mga sandata na ikaw mismo ang gagawa ay maaari mong gamitin dahil parte iyon ng kakayahan mo. Mananalo ka lang kung mapapalabas mo ng arena si Rylee o sumuko siya ng kusa sa laban."

Hindi kasama sa rules na hindi ka puwede pumatay? Anyway, hindi naman siguro kami darating sa punto na iyon.

"Wala akong reklamo sa rules. Salamat sa paliwanag," I said.

Naupo si Heleina sa tabi ko. Nakatingin siya sa arena habang ang isang kilay niya ay nakataas at nagpapahiwatig ng matinding away. "Matatalo naman ang babaing iyan. Sinayang mo lang ang laway mo sa pagpapaliwanag."

"Wala sa plano ko ang matalo."

"Oh really? Pustahan, hindi ka tatagal ng ten minutes," Heleina said in a hateful tone of voice.

"Pustahan, ten seconds pa lang nanginginig ka na," I chuckled.

"Tumigil na kayong dalawa. Parating na si Rylee," professor Vandor said.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now