CHAPTER 23

1.3K 71 6
                                    

CHAPTER 23 | KNIFE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 23 | KNIFE

Sa reaksyon ng mukha nu'ng bampirang dumating alam ko agad na masama ang balita na nais nitong sabihin. Dahil kung good news ang dala nito para sa amin, nakangiti na sana ito kanina pa at hindi ganitong gusot na gusot ang mukha.

Hula ko na kasalanan na naman ito ni Xenon. Siya lang naman ang problema namin dito.

"Ako ang isa sa hanay ng mga dampri na pinamumunuan mo, professor Vandor. Ang pangalan ko ay Geo. Alam ko na nakakaistorbo ako sa inyong klase, humihingi ako ng dispensa. Ngunit mapakinggan mo sana ang nais kong ibalita. Para malaman namin kung ano ang aksyon na aming gagawin mula sa aming hanay. Pag-utusan mo sana kami."

Ano iyon wala silang sariling kilos? Kailangan talaga manggagaling muna sa iba? Kung batas dito iyan sa Retina mayroong kaunting problema ang nagpatupad niyan. Paano kung hindi nila mahagilap si professor Vandor, hindi sila aalis sa lungga nila kahit naguho na itong building? Kung ako gagawa ng batas dito sa Retina, sisiguraduhin ko na lahat sila kikilos sa paraan na gusto nila. Para kung pumalpak— bespren— walang sisihan.

Napabuntong-hininga muna si professor Vandor bago tumayo at mabilis na mapunta sa tabi ni Keegan na nasa unahan pa rin. "Maupo ka muna, Keegan. Maya-maya na natin ito ituloy. Babalik naman ako agad." Lumabas sina professor Vandor at Geo. Mukhang ayaw nila ng audience.

Pansin ko sa kanilang lahat mabibilis silang kumilos. Sana ako rin matutunan ko iyon.

Mabilis na nakabalik sa puwesto namin si Keegan. Tumabi siya kay Mavrei. At ang loko, pinilit na itulak si Mavrei para makalapit sila sa amin nina Akkey at Rima. "Uy, sa tingin niyo ano kaya ang nangyari?"

Minsan talaga mayroong mga tanong na imbis sagutin mo, parang ang sarap na lang basagin. "Hala siya oh! Pare-pareho tayong nandito sa atin magtatanong?"

Ngumuso si Keegan saka lumayo at sumandal na lang sa silya. "Sabi ko nga."

"Bakit kasi hindi na lang kayo makinig para hindi kayo magtanungan," mungkahi ni Rima na pa-easy-easy lang. Nawala na ata sa isip niya na nasa piligro pa rin ang buhay niya dahil hindi pa alam kung sino ang papatay sa kanya. Siguro na bola na siya ni Rylee kanina kaya parang lumalakas na ang loob niya.

"Ito na nga makikinig na," sabi ni Keegan.

Nanahimik si Keegan at nakiramdam. Kung mayroon siyang kakayahan na palakihin ang kahit na anong parte ng katawan niya, baka simulan niya agad sa tenga. Inam siya pumaling sa direksyon ng pinto para lang makinig sa usapan. Ginaya na nga siya nina Mavrei at ang nag-suggest na si Rima.

At syempre, ganoon din ang ginawa ko. Para hindi na ako magtatanong. Mahirap na, baka barahin din ako ni Keegan tulad ng ginawa ko sa kanya kanina. Kailangan umiwas dahil mabilis ang karma.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now