CHAPTER 10

1.8K 95 14
                                    

CHAPTER 10 | NAME

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 10 | NAME

Huh? Tama ba ang narinig ko? Boring para sa kanya ang icarus of time?

"Tama ang narinig mo. Huwag ka na magtaka," sabi ni Akkey.

Anak ng bampira naman oh. Binasa na naman niya ang nasa isip ko.

Minsan talaga mahirap unawain itong si Akkey. Paano naman naging boring ang icarus of time? Samantalang sa icarus of time makikita mo ang nangyari sa nakaraan. Iyong mga bagay na lumipas na at gusto mong balikan. Malalaman mo rin ang mangyayari sa kasalukuyan at hinaharap. Mga pangyayaring maaari mong agapan at gawan ng paraan.

Kaya... bakit?

Bigla na lang akong napatuon sa mahabang mesa nang tuunan ni Mavrei ang balikat ko. Parang may bakal na dumagan sa akin. Ginawa niya iyon sa katawan kong ka-re-recover lang sa matinding sakit. Para lang maabot at maalog niya sa pagkakaupo si Akkey na nasa tabi ko.

"Ikaw na talaga. Bilib na ako sa iyo!"

At lalo akong nabigatan nang hatakin ni Akkey si Mavrei para gumanti. Masama pang pinagitnaan ako ng dalawang ito. Mahaharot.

Nang mahatak ni Mavrei ang braso niya pabalik, nabitawan siya ni Akkey. Agad siyang umayos ng upo at tinanaw na lang si Akkey mula sa puwesto niya. "Alam mo ba na ikaw lang ang bampirang may lakas ng loob na sabihing boring ang icarus of time? Kasi para mo na rin sinabi na boring ang icarus ng pinuno natin dito sa Retina."

Tumuon sa lamesa si Mavrei para sulyapan ang biglang nagsalita na si Keegan Vanwing. Nasa tabi ito ni Akkey sa bandang kanan. Si Keegan ang bampirang nagsabi sa akin na maganda ako. Ay mali, iyong icarus ko pala na galing naman kay Shenna.

"Hindi ako sang-ayon sa sinabi mo, Akkey."

"Hindi ko iyon sinabi para sumang-ayon ka," sagot naman ni Akkey.

Aba! Nakakaamoy ako ng away.

Siniko ko si Mavrei na nanlalaki ang mata para bigyan siya ng sign na umawat. Pero mukhang nagulat din siya sa sinabi ni Akkey. Kung ako naman ang tatanungin, hindi maganda ang dating sa pandinig ko ang tono ng pananalita ni Akkey. Para bang wala itong pakialam sa opinion ni Keegan.

Pero natulala na lang din ako nang marinig ko ang sagot ni Keegan.

"Oo nga 'no?"

Natawa naman si Akkey sa sagot na iyon ni Keegan sa kanya.

Hindi naangasan si Keegan sa sagot ni Akkey sa kanya. Para siyang inusenteng bata na pinagalitan mo na nga, ngingitian ka pa. Tipong walang salitang makakapanakit sa damdamin niya. Pero sa tingin ko naiintindihan ko ang ugali niyang iyon. Ikaw ba naman ang magkaroon ng icarus of death. Puro kamatayan ang makikita mo. Para sa akin wala nang mas lu-lupet pa sa sakit na idudulot nu'n sa damdamin mo. Dahil ikaw na mismo ang magbibilang ng araw para sa mga mahal mo sa bahay.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now