CHAPTER 60

892 61 11
                                    

RETINA
THE POWER OF ICARUS
Written by SomeoneLikeK——————————————————
CHAPTER SIXTY
BOTTLE

Isinara ni Xenon ang pinto papunta sa nakaraan saka siya tumingin sa akin. "Wala na akong maipapakitang katibayan sa 'yo tungkol sa gusto mong malaman. Maniniwala ka pa rin ba kung sasabihin ko lang sa 'yo ang dahilan ni Icarus?"

In short, hindi siya magsasayang ng laway kung hindi ako maniniwala sa sasabihin niya.

"Bakit wala ka nang maipapakita sa akin?"

Tumingin si Xenon sa mga hawak niyang pocket watch. Sa nakikita ko, parang nalulungkot siya sa tuwing mayroon siyang aalalahanin. Pero hindi ko pa rin maiwasan na maghinala. Hindi ko alam kung ito ang totoong nararamdaman niya o sinasadya niya lang ito para makuha ang loob ko at kumampi ako sa kanya.

"Sinabi sa akin ng Tatay ko na isinara na ni Icarus ang lahat ng tungkol sa bagay na iyan simula nang makuha niya kay Karos Oselver ang imperium of time. Dahil kung hindi mo nalalaman, nauna niyang pinatay si Karos bago ang buong angkan ng Oselver at si Levira."

Karos Oselver. Ang pureblood na naglagay ng patay na baboy ramo sa kama ni Icarus noon. Hindi ko makakalimutan ang puyat na lalaking iyon. Ang alam ko hindi siya tunay na kapatid ni Icarus at hindi rin sila magkasundo.

"Alam mo ba na hindi tunay na pamilya ni Icarus ang buong angkan ng Oselver na pinatay niya sa Asareth?" Xenon asked.

"Sinabi sa akin ni Icarus ang tungkol diyan. Ang alam ko, si Akeena na lang ang natitira niyang kadugo noon."

Xenon nodded. He's satisfied—I guess? Pero nakakainis iyong nakikita kong ngisi sa labi niya. Feeling ko pumasok bigla sa isip niya na, I knew it. Marami kang alam. Pero mas marami akong alam. Hindi na lang ako mag-re-react sa nakakainis niyang mukha dahil totoo naman na mas marami siyang alam kumpara sa akin.

Umiwas ako ng tingin kay Xenon. Ayokong makita niya ang disappointment sa mukha ko. "Sa mga sinasabi mo sa akin, feeling ko nakaplano ang lahat ng ginawa ni Icarus. Una niyang pinatay ang pureblood na may imperium of time para maitago niya ang tungkol sa mga binabalak niyang gawin."

"Tama ka."

"He has an acceptable reason, am I right?"

"You are right, Seira."

Of course, he has a good reason.

Muli akong tumingin kay Xenon. "I'm sorry. Hindi ko alam kung kaya kong maniwala nang wala kang pinapakitang proweba sa akin."

I'm scared to offer my utmost trust. At hindi ko masisi ang sarili ko dahil niloko ako ng bampirang sumagip sa buhay ko, nagbigay sa akin ng matitirhan at mga kaibigan na itinuring kong pamilya. Kung si Rylee nagawa akong lokohin, hindi malabong gawin din iyan sa akin ni Xenon.

Maaaring nagsasabi si Xenon ng totoo tungkol sa imperium niya na hindi naman galing kay Rylee. Pero paano kung hindi totoo ang sabihin niya sa akin tungkol kay Icarus? Hindi ko naman malalaman kung nagsisinungaling siya dahil isinara na ni Icarus ang tungkol doon. Wala na rin akong nakitang ibang pocket watch sa imperium ni Icarus nang pumunta ako roon. Isa pa, may sumisiksik pa rin sa isip ko na paano kung ibahin rin ni Xenon ang totoong kuwento?

Xenon nodded like he actually understand what I said. "Inasahan ko nang ganyan ang isasagot mo sa akin. May kilala ako na puweding magsabi sa 'yo kung ano ang dahilan ni Icarus. Tingin ko parang maniniwala ka naman kung sa kanya mo maririnig ang totoo."

If it's Rima, hindi ko rin alam kung maniniwala pa ako sa kanya. Lumabas noon sa imperium niya na nagsisinungaling ako nang sabihin kong hindi ako ang espiya na pinadala ni Xenon sa Retina Organization. Naniwala si Rima sa akin kumpara sa sarili niyang imperium at sobrang saya ko dahil doon. Ngayon naisip ko bigla na kaya siguro siya naniwala sa akin noon dahil alam niyang hindi ako ang kakampi ni Xenon—kundi siya. Tsaka bakit hindi siya nahuli? Dumaan din naman siya sa proseso tulad ko.

RETINA : THE POWER OF ICARUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon