CHAPTER 40

1.1K 76 16
                                    

Sorry guys kung late ang update ko. Enjoy reading and God bless.

Gumuhit ang lamig sa aking balat nang tila maglakbay ang kamay ni Akkey mula sa braso ko patungo sa aking kamay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gumuhit ang lamig sa aking balat nang tila maglakbay ang kamay ni Akkey mula sa braso ko patungo sa aking kamay. Hindi naalis ang tingin niya sa akin na puno ng pag-aalala. Ngayon ko lang nakita ang ganitong ekspresyon ng kanyang mukha. Para bang takot na takot siyang umalis ako.

"Pumasok ka na sa loob kung hindi ka aalis."

Wala sa tono ng pananalita ni Akkey na inuutusan niya ako. Siguro mas tamang sabihin na nakikiusap siya sa akin gamit ang malungkot niyang tinig.

"Awatin niyo si Akkey. Baka iba isipin ng makakakita sa kanila," ani Keegan. Nakasilip sila nina Rima at Mavrei dito sa labas at ulo lamang nila ang nakalabas sa pintuan.

"Bakit hindi ikaw ang umawat tutal ikaw ang nakaisip," ani Rima.

Nagkatinginan sina Mavrei at Keegan. "Savage."

Wala silang laban kapag umiral ang katarayan ni Rima. Masaya ko na makita siyang ganito— may lakas ng loob. Hindi tulad noong nalaman niyang nakita ko siyang walang buhay sa icarus of time. Balot siya ng takot nang mga oras na iyon.

"Sa akin ka tumingin," ani Akkey.

Tumingin ako kay Akkey saka ko hinila palayo ang aking kamay. Ayoko na mapagalitan siya dahil sa kinikilos niya kaya ngumiti ako at pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"Kayo naman. Miss niyo ako agad lumabas lang naman ako. Pupuntahan ko lang si professor Vandor para sabihin sa kanya na hindi ako lilipat ng kuwarto. Dito lang ako sa team Cornea. Kasi hindi tayo magiging team kung kulang tayo ng isa hindi ba?"

"Seira Alastair, pumunta ka sa meeting room."

Alastair huh. Ang malakas na boses na iyon ni Heleina mula sa speaker ay paulit-ulit kong narinig sa buong paligid.

"Sasama ko," ani Akkey.

"Hindi na. Babalik naman ako agad e."

Habang naglalakad ako papunta sa meeting room, marami akong nakasalubong na palihim akong sinusulyapan. 'Tapos kapag nakalagpas na sila sa akin mga magbubulungan. Bakit hindi sila magbulungan sa harapan ko? Bakit kailangang sa likod ko na naman? Tutal parang malakas ang loob nilang ipahalata sa akin na ako ang pinag-uusapan nila.

Nang makarating ako sa meeting room, nadatnan ko roon ang mga leader ng Retina Organization na sina Van, Heleina at professor Skaia. Wala sina professor Vandor at ang pinuno namin na si Rylee.

RETINA : THE POWER OF ICARUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon