Chapter 68

136 11 0
                                    

Chapter 68

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 68

Mahigpit ang pagkakasara ng kamao ni Rylee nang tumingin siya sa direksyon kung saan niya huling nakita si Keegan—bago pa ako makagawa ng ilusyon kanina.

Halata ko ang pagkadismaya sa mukha ni Rylee. Ikaw ba naman ang mawalan ng isang loyal na kakampi na halos sundin na ang lahat ng sabihin mo, hindi ka ba madidismaya.

"Hindi mo na ako kailangan?" Rylee asked Keegan.

Malungkot ang mga mata ni Keegan nang lingunin ko siya. Para bang hindi niya nagustuhan ang tinanong sa kanya. Hindi niya nilingon ang direksyon ni Rylee, nanatili siyang nakahandusay sa simento matapos siyang sumukong itayo ang kanyang sarili. "Huwag na tayong maglokohan. Alam ko na ang totoo. Hindi mo iyon maibibigay sa akin tulad ng ipinangako mo."

Ngumisi ng malawak si Rylee na para bang inasahan na nito ang sagot na iyon mula kay Keegan. "Narinig mo ba iyon, Seira? Tama ako hindi ba? Kapag wala ka nang silbi, madali ka nilang tatalikuran. Kaya gamitin mo na lang din sila tulad ng paggamit nila sa 'yo."

Keegan sighed heavily. Halatang hindi siya sang-ayon sa sinasabi ni Rylee.

"Oo may personal na dahilan ako kung bakit ako sumali sa Retina Organization. Pero hindi ibig sabihin nu'n, pababayaan ko na kayong mamatay sa harapan ko. Noong lumapit ka sa akin para tulungan kayo, hindi pa ako miyembro ng Retina Organization, pero sumama ako. Lumaban din ako para sa kalayaan na sinasabi mo, at hindi para pabayaan ang mga kasamahan natin tulad ng ginagawa mo ngayon. Hinayaan mo silang lumaban mag-isa kahit na alam mong wala silang laban kay Seira. Pinanood mo silang masugatan at bumagsak isa-isa. Nadismaya ka pa, nang hindi kayanin ni Heleina na pigilan si Seira ng mas matagal para maubos ang oras niya. Imbis na magpasalamat ka na lumalaban siya ng patayan para sa 'yo. At imbis na magpakumbaba ka at palayain mo si Akkey para makatulong siyang iligtas ang bansang Eves, ikinulong mo pa siya at pinahina. Hindi na kita maintindihan. Kung ginagawa mo ba talaga ang lahat ng ito para sa ating lahat?"

Rylee shook his head. Siyempre, hindi rin niya tanggap ang sinabi ni Keegan. Halata naman na igigiit niya lang ang gusto niya at paniniwala. "Kailan pa naging makitid ang utak mo? Ikinulong ko si Akkey para kunin ang ability niya to manipulate gravity, dahil hindi siya sang-ayon sa plano ko! Ayaw niyang may ibang masaktan. Ano naman ang pakialam ko sa mga taong masasaktan? Kaya kukunin ko ang ability niya nang sapilitan, kung hindi siya sang-ayon sa gusto ko. Wala akong ibang choice! Kailangan kong gamitin ang ability niya para hindi tumama ang destructive weapon dito sa bansa natin. At ibabalik ko ang destructive weapon na iyon kung saan man iyon galing." He explained.

"Kailangan mong ubusin ang dugo ng isang Oselver bago mo makuha ang full potential ng ability nila. Pag ginawa mo iyon, mamamatay si Akkey!" Keegan shouted.

"Wala akong pakialam! Kung maililigtas ko naman ang mas maraming bampira na kasama natin. Hindi ko na iisipin ang buhay niya!"

Tagos hanggang buto ang inis na naramdaman ko kay Rylee. Gusto kong siyang tanggalan ng boses para hindi na siya makapagsalita. "Wala kang pinag-iba sa Ama mo," I said.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now