CHAPTER 9

1.9K 106 14
                                    

A/N: Dahil naayos na ang internet namin, ito na ang update ko. Enjoy reading guys. God bless us all. Labyah!

CHAPTER 9 | TEAM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 9 | TEAM

Bilib ako sa diterminasyon ni Akkey na huwag uminom ng dugo ng tao. Mukhang naiiba siya sa lahat ng bampira na nandito sa Retina. Alam ko ang pakiramdam na mauhaw. Pero ito siya. Pinipilit ang sarili na ibang dugo ang hanapin kahit nakahain na sa harap niya ang dugong magpapalakas sa kanya. Nakakaluwang din sa pakiramdam na may isa rito na hindi lang basta bampira o eksperimento ng Razafrei ang tingin sa akin. Kundi isang tao.

Kaya ko rin kayang maging tulad niya?

Naupo ako sa tabi ni Akkey saka ko siya hinarap. Hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niya para maisip niyang seryoso ako. "Gusto kong maging katulad mo. Turuan mo akong masanay sa dugo ng hayop."

"At sa tingin mo papayag si Rylee na maging mahina ka?"

"At sa tingin mo rin ba e papayag ako na sumunod lang sa kung ano ang gusto niya?"

"Kung talagang matapang at diterminado ka. Sige, tuturuan kita."

Nagtatalon ako sa imahinasyon ko para itago ang tuwa ko. Akala ko mahihirapan ako na kumbinsihin siya laluna't si Rylee lang ang parang susundin at pakikinggan niya. Madali naman pala siyang pakiusapan. Tingin ko makakasundo ko siya.

"Huwag kang masyadong maging masaya dahil hindi iyon madali."

Nakalimutan ko na mababasa niya ang nasa isip ko. Seira, my dear self. Isipin mo na lang na tsismoso siya.

"Magsisimula tayo ng gabi pagkatapos ng klase natin ngayong araw."

Tumayo si Akkey na parang nabusog na lang siya sa hangin. Wala akong nakitang bakas ng gutom sa mukha niya. At maiisip ko na gumaling na ang sugat niya kung nakatago iyon at hindi ko nakikita. Ang kaso, kita ko pa ang pagtakas ng dugo mula sa sugat niya. Sunog pa rin ang balat niya pero hindi na gaanong malaki kumpara kanina.

"Mabuti pa dito na muna tayo hanggang sa maghilom iyan."

Hinarap ako ni Akkey nang may angas. Para siyang bagong hirang na hari na humarap sa mga taong pamumunuan niya. At ako naman, nakatingala lang sa kanya. Na para bang isa akong commoner. "Seira, leader ako ng team natin. Hindi maganda na tinuturuan kitang magtago rito at hindi siputin ang klase mo."

"Balak ko rin namang gawin iyan kahit hindi mo ako turuan."

Binatukan niya ako ng malakas na para siyang bumatok sa pintong nakakandado at pinipilit buksan. Hindi ba niya alam na babae ako? I'm frajil.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now