CHAPTER 20

1.4K 74 5
                                    

CHAPTER 20 | BLUE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 20 | BLUE

Sampung minuto. Iyan lang ang oras na ibinigay sa amin ni Skaia para magkausap ang buong member ng bawat team. Para sa akin, komplikado ang pinagagawa niya sa amin 'tapos sampung minuto lang ang ibibigay niya? Hindi naman kami mga professional para makaisip agad ng plano. Baka nga nagkakaasaran pa lang kami ubos na iyang sampung minuto na iyan.

"Sino sa inyo ang nakabunot ng position?" tanong ni Akkey.

"Ako," sabay na sabi nina Mavrei at Keegan.

Tumingin sa akin si Akkey na para bang dismayado sa naging resulta ng bunutan. Aba bakit siya lang ba dismayado? Ako rin kaya! Kung ako papipiliin mas gusto ko mabunot iyong word na position para kahit hindi ko makabisa lahat ng closed-circuit television sa loob ng room mayroon pang isang member na sasalo. Ang problema nga lang talaga iyong merit ang nabunot ko. Iba rin kasi talaga kapag sinuswerte. Malamang sa hindi alam na ni Akkey kung ano ang obligasyon ko sa team namin. Dahil alam na niya ang kina Mavrei at Keegan. At alam ko rin na ang obligasyon ko ang dahilan kung bakit parang dinaig niya ang na-bankrupt.

Napalunok si Akkey. Hindi na magtagpo ang gusot niyang kilay. "Merit?"

Ipinakita ko sa kanila ang papel na nabunot ko.

Sina Mavrei at Keegan bumagsak bigla ang balikat. Mukha silang nawalan na agad ng pag-asa.

Grabe sila sa akin.

Humarap si Akkey kina Mavrei at Keegan. "Bumawi na lang tayo sa susunod."

Sinaktan ko silang tatlo dahil pinagkakaisahan nila akong asarin. Hindi ko sila tinigilan kahit marami na ang tumitingin sa amin. Sarap nila pag-untugin. Imbis na mag-usap kami sa gagawin naming plano, asaran lang ang nagawa namin sa loob ng sampung minuto.

Sana lang hindi isipin ni Skaia na hindi namin sineseryoso ang klase niya. Dahil kung ako ang tatanungin, ito ang klase na gusto kong seryosohin at pagtuunan ng pansin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko matuto lang akong lumaban. Dahil alam ko na dito ako lalakas para magawa kong harapin si Xenon Benforth. Ang lalaking paluluhurin ko sa lupang binasa ng sarili nitong dugo. Antay-antay lang siya. Dahil darating ako sa tabi niya with a bang!

"Alam mo minsan iniisip ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo. Ang dami mong sinasabi," sabi ni Akkey.

Tiningnan ko siya ng masama. "At alam mo rin ba na minsan iniisip ko kung kailan ka titigil sa pagiging tsismoso mo?"

"Wala akong maririnig kung mananahimik ka."

"Ano wala na akong kalayaan na isipin ang gusto kong isipin?"

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now