CHAPTER 5

2.7K 120 2
                                    

CHAPTER 5 | DARK ROOM

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

CHAPTER 5 | DARK ROOM

"Ano ang ibig mong sabihin na nakita mo?"

Hindi sumagot si Rylee. Kaya napilitan ako na sundan siya palabas hanggang sa pumasok siya sa kuwarto kung saan ako galing kanina. Gusto kong malaman ang lahat nang tungkol sa kanya. Bakit niya sinasabing pakakasalan ko siya at kailangan kong maniwala dahil nakita na niya iyon? Alam din nila ang pangalan ko pero hindi ko sila kilala.

Sigurado akong mayroon silang alam tungkol sa akin. Narinig ko na ang boses ni Rylee noong nasa laboratoryo ako ng Razafrei. Tinawag niya ako sa pangalan ko na para bang alam niya na naroon ako.

Sino ba siyang talaga?

Humarap ako sa pinto nang makita kong magbibihis si Rylee. Wala siyang pakundangan. Hindi man lang niya sinabi na lumabas muna ako dahil magbibihis siya. At wala siyang pakialam kung makita ko siya o hindi na walang suot na damit.

Hay naku. Hindi ko na siya susundan sa susunod.

"Hindi ba naipaliwanag ni Heleina sa iyo ang tungkol sa akin?"

Nanatili akong nakaharap sa pinto. "Sinabi ni Heleina sa akin na pinuno ka nila. Pero saka mo na sabihin ang tungkol sa iyo. Ang sabihin mo muna sa akin ay ang ibig mong sabihin kanina. Ano ang nakita mo para maniwala akong pakakasalan nga kita?"

"Puro ka na lang sabihin."

Medyo nagulantang ako nang ituon ni Rylee ang kamay niya sa pinto at mapadikit ang pisngi niya sa tenga ko. Hindi ako sanay na masyadong malapit sa mga lalake. Laluna sa tulad niya na bagong ligo. Hindi naman kasi uso ang maligo sa bayan ng Asareth. Pang ilog lang kami na tapunan ng mga basura. Bago sa akin ang makaamoy ng lalaking amoy sabon.

"Rylee Vanwing Alastair. Pureblood. Pinuno ng organisyon na kung tawagin ay Retina. Nasa akin ang kakayahan na kung tawagin ay icarus of time. Puwede kong makita ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Maniwala ka sa akin kapag sinabi kong pakakasalan mo ako. Dahil nakita ko na iyon. Nasagot ko na ba ang tanong mo?"

Nasagot niya ako ng buong-buo. Dahilan para mag-igting ang aking kamao. Wala akong pakialam sa sinasabi niyang pakakasalan ko siya. Dahil sa pakiramdam ko mukha namang hindi ko siya magugustuhan. Ang ikinagagalit ko lang ay ang sinabi niya na puwede niyang makita ang hinaharap. So— alam niya pala. Kahit bali-baliktarin ko pa ang mga sinabi niya, isa lang din ang babagsakan. Alam niya ang mangyayari sa akin sa Razafrei pero bakit hindi niya ako tinulungan agad? Dahil ba gusto niyang maging bampira rin ako tulad niya?

"Mapunta ka sana impyerno!"

"Say what?"

Sa galit ko, itinulak ko ng malakas si Rylee. Pero imbis na mapalayo siya akin. Hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. Naiwan lang ang mga kamay ko sa bisig niya. Oo nga pala. Nakalimutan ko na agad. Pinuno nga pala ng organisyong Retina ang lalaking ito. Hindi siya magiging pinuno kung mahina siya.

RETINA : THE POWER OF ICARUSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora