CHAPTER 21

1.3K 76 3
                                    

Ang artist ng picture na nagamit ay si RainNoir. Galing niya 'no? Karamihan sa mga nagamit kong picture siya ang artist. Nakuha ko iyan lahat sa Pinterest. Enjoy reading and God bless. —K

CHAPTER 21 | DOS

Isa pang kulay asul na pinto at madilim na paligid ang bumungad sa aking harapan nang maisara ko iyong pinto kung saan ako pumasok. Wala itong pocket watch na nakasabit sa itaas tulad ng unang pintong pinasukan ko. Delikado ata ako rito sa isang ito ah. Papasok ba ako o hindi? Baka kasi hindi na ako makabalik. Pinagmasdan ko ang hawak kong pocket watch. Sinubukan ko iyong itapat sa pintong nasa aking harapan at bigla iyong humampas pakaliwa at pakanan.

"Okay, papasok ako."

Unti-unti kong binuksan ang pinto para silipin kung ano ang mayroon sa loob nito. Ngunit bigo akong malaman kung ano ang lugar na nasa likod nito dahil liwanag lamang ang tangi kong nakita. Hindi naman siguro ako mapapahamak. May dala akong pocket watch. Huminga ako ng malalim para humugot ng lakas ng loob. Bahala na. Pumasok ako sa asul na pinto at kusa itong sumara.

Nanliit muna ang mga mata ko dahil sa matinding liwanag bago iyon unti-unting nawala.

"Ah— sandali. Para makasigurado ako." Binuksan kong muli iyong asul na pinto at nakita ko iyong pintong una kong pinasukan. Okay, safe. Sabay sara nito.

Naaninag ko ang isang mahabang pasilyo na nilatagan ng pulang karpet. Hanggang sa naging malinaw na ang tingin ko sa buong paligid. Walang dekorasyon sa mga pader. Puro lamang pinto ang makikita sa magkabilang side. Wala rin kahit isang bintana. Problema ito. Hindi ko malalaman kung saang lugar ako dinala ng pintong pinasukan ko. Pero sabagay, wala nga pala akong alam na ibang lugar kundi ang Asareth.

Pinansin ko ang mga suot na damit ng mga bampirang narito. Puro iyon kulay itim o 'di kaya naman ay pula. Pareho sa mga bampira na nasa Retina. Hindi kaya. . . ibang parte ito ng Retina

Hindi ko malalaman ang sagot kung hindi ko lilibutin ang lugar na ito. Sinimulan kong maglakad-lakad para alamin kung nasaan ako. Hahanapin ko kung ano ang importante sa lugar na ito. Gusto kong malaman kung bakit ito gustong ipakita sa akin ng bampirang mayroon ding icarus of time noon. Dahil nasisiguro ako na mayroon itong mabigat na dahilan.

Sa aking paglalakad, napansin ko ang isang bampirang lalake na mayroong malaking ngisi sa labi at halata sa hilatsa ng mukha nito na mayroon itong balak na masama. Mukha pa lang, alam nang may balak. Nakalabas na ang pangil nito at dinaig pa ang puyat. Mahigpit nitong hawak ang isang may kalakihang bag. Hmm— na-fi-feel ko na may something sa loob ng bag na iyon.

Sinundan ko ang lalaking iyon hanggang sa pasimple itong pumasok sa malaking silid na masasabi kong, yayamanin! Bakit? Maraming gamit dito na maganda ang itsura. Iyong masasabi mo talagang pinag-isipan ang disenyo. Hindi ko pa nga ito nakikita kahit saan. Parang pinasadya. Kung ipagbibili ko ang isang gamit siguro makakakain na ako apat na beses sa loob ng limang buwan. Mayroon kasing halong ginto ang ibang gamit. At mas makapal pa iyon sa mukha ko.

"Sigurado ako na magugustuhan mo ang regalo ko," sabi ng lalaking sinundan ko. Nagsasalita siyang mag-isa. Baliw na ata ito. Binuksan nito ang dala nitong bag at ang laman ay parang kinawawang baboy ramo. Puno ng dugo ang mukha at maraming gilit ang katawan. Iniwan nito ang baboy ramo sa ibabaw ng kama saka umalis ng silid na mayroon pa rin ngisi sa labi.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now