CHAPTER 44

1.4K 85 32
                                    

If ever makakita kayo ng maraming typo, I'm sorry. Pero aayusin ko na lang iyong mga typo kapag binalikan ko lahat ng chapter nito. Hindi ko na ito binasa ulit kasi sobrang sakit na ngulo ko. Sa pagod na rin siguro. Bilang promise, ito na ang update ko. Enjoy reading guys. Lab you all. God bless.

Sobra ang naging ngiti ko dahil sa sinabi ni Icarus

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sobra ang naging ngiti ko dahil sa sinabi ni Icarus. Ang lakas makaganda. Feeling ko nga sumayad sa lupa ang hair ko. Ang sakit nga lang sa pisngi ngumiti ng sobra at nakakahiya. Kaya itinulak ko sa kabilang side ang mukha ni Icarus para mapatingin siya sa ibang direksyon. Ayoko na makita niyang kinikilig ako. Baka ang landi ko tingnan para sa bampirang balak nang mag-asawa.

Ewan ko ba kung bakit lagi akong ganito sa kanya. Minsan nga parang natatakot ako na baka mahalin ko rin siya.

Pilit kong itinaas ang isa kong kilay kahit hindi ako marunong. Masabi ko lang sa sarili ko na sinusungitan ko si Icarus at para na rin maitago ko ang ngiti sa aking labi. Pa hard to get kumbaga. "Hindi tama na gawin mo ang kahit anong sabihin ko kung alam mo na makakasama iyon para sa iyo. Hindi naman masamang tumanggi."

Salubong ang kilay ni Icarus nang tumingin siya sa akin. "Para saan pa iyon? Wala ka naman sasabihin na makakasama sa akin hindi ba?"

Natahimik ako bigla dahil sa sinabi ni Icarus. Ang galing niyang bumanat. Talaga namang mahihirapan kang umahon. Pero tama naman si Icarus. Wala akong sasabihin na makakasama para sa kanya dahil ayoko siyang mapahamak. Kung puwede ko nga lang sabihin sa kanya na magtago na lang siya habang buhay para hindi na niya kailangan mamatay, gagawin ko. Kaso hindi niya naman ako maririnig.

Pinagmasdan kong mabuti si Icarus. Kalmado ang mukha niya. Hindi halata na kagagaling lang niya sa gulo. "Icarus, hindi lahat ng tungkol sa lugar na ito ay alam ko. Maaaring may masabi ako na makakasama pala sa iyo nang hindi ko nalalaman. Kaya mas gusto ko iyong gawin mo ang alam mong tama at makakabuti para sa iyo."

"Pareho lang naman iyon. Sundin kita at gawin ang gusto ko."

Anong ibig niyang sabihin? Gusto niya na sundin ako? Mukhang mahirap kumbinsihin ang isang ito. Baka abutin kami ng bukas dito. Babaguhin ko na lang ang usapan at iiwasan ko siyang utusan na lang basta. Dahil ayoko nang maulit ang gulo na nangyari ngayon. Oo malakas siya. Kaya niya ang sarili niya. Pero ayoko siyang nasasaktan. Hindi naman ibig sabihin na malakas siya, hindi na siya masusugatan sa laban.

"May balak ka bang puntahan?" I asked.

"Suko ka na?" Icarus smiled.

Nginusuan ko siya saka inirapan. Napatingin ako sa mga sirang pader na mukhang dumanas ng matinding unos. "Hindi naman ako mananalo sa iyo eh."

"Mali ka. Kasi wala ka pang ginagawa panalo ka na."

Pinalobo ko ang pisngi ko para hindi ako mapangiti. Hindi ko rin siya nagawang tingnan. Ano ba nakain ng lalaking ito at bet niya akong pakiligin ngayong araw? Nakakaloka.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now