CHAPTER 33

1.2K 72 9
                                    

Late ang update ko, sobra. May topak modem namin. Forever ang reboot. Nag-reset na ako. Bumabalik pa rin pero nagagamit na ng ilang oras. Iniwi, ito na update ko. Subukan ko mag-update agad if magkaroon ng medyo maraming time. Busy pa kasi ako. May inaasikaso akong mga kailangan sa party para ngayong month. Pagod ang inyong lingkod araw-araw, gabi-gabi. Darna. Charot. Sana hindi kayo magsawa mag-intay— hindi sa ex niyong hindi na babalik kundi sa update kong usad pagong. Hemwe!

CHAPTER 33 | ANGER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 33 | ANGER

"Uy, alam niya hagod ng kamay ko," nang-aasar na sabi ni Akkey nang sa isip ko lamang naririnig.

Ano naman kung alam ko? Issue ba iyon?

Nakakainis isipin na pareho kami ng napansin. Pero wala akong balak na aminin sa kanya ang totoo dahil alam ko na lalo niya lang akong aasarin. 'Di bale nang magsinungaling ako huwag lang niya ako asarin ng todo. At baka bigla siyang mag-ingay, makisali pa sina Keegan at Mavrei na magaling din mang-asar. Hindi sila kaya ng powers ko.

Hindi nga sana ako magsasalita kanina nang sa isip ko lang, ang kaso hindi ko mahahatak ang kamay ko palayo kay Akkey dahil baka makaramdam si Rima. Kaya wala na akong nagawa kundi kausapin siya sa isip ko at sabihing bitawan niya ako. Iyon nga lang hindi niya ako pinakinggan. Kung lalakasan ko naman ang boses ko, malalaman ni Rylee ang ginagawa ni Akkey sa akin. 'Tapos ano? Kakalat iyon sa ibang mga bampira at magiging sentro na naman kami ng usapan? 'Di na lang.

For your information, Akkey John, nakita kita.

Imbis na bitawan ni Akkey ang kamay ko, lalo pa niyang hinigpitan ang hawak.

"Ano ka. Huli akong yumakap sa inyo. Paano mo akong makikita e nakaharang si Keegan sa harapan mo. Imbento?"

Ano ba iyan. Ang hirap niyang lokohin.

Basta nakita kita kaya bitawan mo na ako. Pervert!

"Spell pervert?"

Aba. Basta iyon na iyon.

Per tsaka vert. Bitaw na!

"Iba ka talaga, Seira."

Mabilis akong binitawan ni Akkey saka siya kumalas sa maramdamin naming group hug nang nakangiti. Dahil doon sunod-sunod na kaming kumalas sa yakap. At buti na lang ay walang nakahalata sa nakakainis na ngiti ni Akkey. Mas nakatuon ang pansin nilang lahat sa maluha-luha pa rin na si Mavrei.

Nakataas ang kilay ni Rima nang magpamewang ito sa harap ni Mavrei. "Ang iyakin mo naman."

Mabilis na pinunasan ni Mavrei ang luha sa kanyang magkabilang pisngi. "Hindi iyon luha, My Love. Pawis iyon."

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now