CHAPTER 43

1.1K 83 18
                                    

Sa tantsa ko ay tumagal lamang ng isang minuto ang pamumula ng mga mata ni Akeena

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa tantsa ko ay tumagal lamang ng isang minuto ang pamumula ng mga mata ni Akeena. Tipong limang kurap lang ang puhunan bago bumalik sa kulay blue ang mga mata niya. Ganoon lang kabilis para sa kanya na patigilin ang imperium of true sight.

Ano kaya ang nakita ni Akeena sa imperium niya? Sana maganda ang nakita niya tungkol sa akin. Pero ang tanong talaga rito kung sasabihin ba niya sa akin ang nakita niya. Sa nalalaman ko lihim sa iba ang kakayahan niyang nag-iisa lang sa mundo.

Sa napansin ko nga lang kanina parang madaling malaman na gumamit siya ng imperium. Sapat na ang isang minuto sa aming mga bampira para mapansin kung pumula ang mata ng ibang bampira. Pero sabagay, puwede naman siyang magsabi ng ibang klase ng imperium para maitago ang totoo.

Binitawan ako ni Akeena saka niya ako nginitian. "Madalas kong marinig ang pangalan mo sa usapan ng mga pureblood na nakakasama ko. Marami silang sinabi na hindi maganda. Pero ngayon na nakaharap kita ng personal sa tingin ko parang hindi naman totoo ang sinasabi nilang masama ang ugali mo."

Hindi ako na-inform na nakakarating pala rito ang tsismis na akala kong sa Retina lang kumakalat. Iba na talaga ang panahon ngayon. Pati bibig ng mga bampira high-tech na.

"Salamat po. Hindi ko rin po maintindihan sa kanila kung hindi nila makitang maganda ako inside and out—" Biglang nag-loading ang utak ko. "Side?"

Sinulyapan ko si Akkey nang marinig kong natawa siya ng mahina. Kinausap ko siya nang sa isip lang.

"Sikmuraan kita gusto mo?"

"Ang ingay mo," tugon ni Akkey nang isip ko lang naririnig.

"Hindi mo siya matatamaan," ani Akeena.

Napahawak ako sa bibig ko at nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ko lang naalala na pareho silang Oselver kaya maririnig din ni Akeena ang sinabi ko kay Akkey kanina. Sure na ako. Basta Oselver tsismoso. Lahat na talaga sila.

"Binibiro ko lang po si Akkey. Hindi ko po siya sisikmiraan."

Akeena smiled. "Puwede ba tayong mag-usap?"

Wala na. Finish na.

"Sige po."

"Anak, tulungan mo si Eena sa paghahanda ng makakain para mamaya," utos ni Akeena.

Makakain? No way. Ayokong kumain.

Nagtama ang tingin namin ni Akkey nang pasimple niya akong sinulyapan. Sa tingin ko parang tinatanong niya kung magiging okay ba ako. Wala naman akong choice! Nadulas na ang matalas kong dila kaya malamang kakausapin ako ng Mama niya tungkol sa ugaling pinakita ko kanina.

"Sige na," I said.

"Sa kitchen lang ako," ani Akkey saka siya umalis.

Sinundan ko ng tingin ni Akkey dahil hindi ako makatingin kay Akeena. Pakiramdam ko dadalhin niya ako sa hot seat.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now