CHAPTER 29

1.2K 76 24
                                    

Galing sa pinterest ang picture na nasa ibaba, hindi ko nga lang po alam kung sino ang artist. Credit sa kanya. Medyo nahuli ang update ko sa Retina dahil sumakit na naman ang ulo ko. Dumadalas na dahil sa mata ko. Binabawasan ko na rin ang oras na hawak ko ang cellphone ko. Inayos ko kasi ulit ang guide ko na nawala. Kaya nalaan ko ro'n ang ibang oras ko maliban sa pagsusulat ng update. Iniwi, enjoy reading and God bless. Add me on facebook for updates, Kae Razon, same DP.

 Add me on facebook for updates, Kae Razon, same DP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 29 | PROMISE

"Hindi kami natatakot sa iyo, Seira," matapang na sabi ni Larena sa akin habang nakaharang sa harapan niya ang lahat ng member ng team Falcon.

Magtatapang pa kaya ang mataray na ito kung mag-isa na lang siya?

Naalala ko ang payo ni Icarus sa akin tungkol sa mga bampira na tulad ng team Falcon. "Kapag hindi sila nasindak sa tingin mo, ipakita mo sa kanila na dapat ka nilang katakutan. Sample-lan mo para matuto."

Humarang sa unahan nilang lahat ang isang lalake na bumubukol ang ugat sa magkabilang kamay, inangat nito ang mga bato sa paligid nang hindi hinahawakan. Ang lalaking ito ang dahilan kung bakit kami muntikan nang mapahamak ng mga ka-team ko kahapon. Kaya— siya ang uunahin ko.

"Ipatikim mo ulit kay Seira ang nagpatalo sa team nila, Harvey," taas noong sabi ni Larena.

"Tandaan mo rin, ms. icarus of time, kung ano ang kakayahan ng kalaban mo. Pero kung hindi mo pa alam kung ano ang kakayahan nila, huwag mo silang hahayaan na makalapit sa iyo o kahit ang titigan ang mga mata nila nang matagal." Malinaw na malinaw sa alaala ko ang mga sinabi ni Icarus sa akin. At talaga namang malaki ang naitutulong nito sa akin.

Harvey. Tatandaan ko ang pangalan at kakayahan niya.

Tumalon ako patungo sa isang mataas na bato, parte ito ng tila mataas na bahay na nawasak, nasa bandang kaliwa ito ng team Falcon. Pumunta ako rito sa itaas dahil kailangan ko ng magandang view. Gusto kong makita ang magiging ekspresyon ng kanilang mukha.

At tulad ng inaasahan ko, agad na kumilos si Harvey. Easy target ako para sa kanya dahil bukas na bukas ang paligid ko. Walang ibang tatamaan kundi hangin. Ang matapang na si Harvey, pinalipad agad sa direksyon ko ang mga bato na inangat niya mula sa lupa nang hindi hinahawakan. Para naman mapaasa ko siya kahit sandali, hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Hinayaan kong makita nila ang kusang pagkilos ng mga espadang nakapalibot sa aking katawan na pumiraso sa mga batong inihagis ni Harvey sa akin.

"Ms. icarus of time, marami pang gamit ang kakayahan natin. Puwede kang lumikha ng mga sandata gamit ang dugo mo nang mayroong kasamang kundisyon. Maaari mong sabihin na, kikilos lamang iyon ayon sa gusto mo, o 'di kaya naman kikilos ito ng kusa kung mayroong paparating na panganib sa katawan mo, laluna't hindi mo nakikita ang nasa likod mo. Puwede rin naman na ikaw mismo ang gagamit." Totoo nga ang sinabi ni Icarus sa akin. Pero ang cool tingnan kumpara noong sinasabi niya lang sa akin ang tugkol dito.

RETINA : THE POWER OF ICARUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon