PROLOGUE

7.8K 277 14
                                    

A/N : Wala akong schedule ng update. Basta makasulat at matapos, publish agad. Mabagal po ako magsulat dahil busy ang Lola niyo. Pero ginagawa ko talaga ang lahat para isingit ang pagsusulat para mapasaya kayo at ang sarili ko. Haha! Enjoy reading. God bless us all.

Alikabok ang almusal ko sa umaga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Alikabok ang almusal ko sa umaga. Dahil sa tuwing hihikab ako, nakasupalpal agad sa mukha ko ang hangin na humampas muna sa mga tolda ng bahay na nasa tapat ko lang. Hiyang-hiya nga ako sa palibreng pulbo sa umaga. Minsan na nga lang ako makaligo, dudumihan pa ako.

Sa tuwing sasapit naman ang tanghali, amoy ng maruming tubig sa kanal na kung anu-ano na ang halo ang lagi kong kasalo sa tanghalian. Dahil iyon sa nakatira ako sa ilalim ng tulay na nasa tabi lang ng agusan ng tubig dito sa buong bayan.

Simento ang higaan ko at wala akong kumot. Wala rin haligi o bubong ang bahay ko. Ang mayroon lang ay malaking bilog na nakaguhit sa simento bilang tanda na iyon ang sakop ng aking teritoryo.

Sa gabi naman, amoy na lang ng sinusunog na metal ang nagpapadighay sa akin bago matulog.

Ganito ang klase ng buhay ang mayroon ako rito sa bayan ng Asareth. Ang nag-iisang bayan na hindi pinaunlad sa bansang Eves.

Naaalala ko pa kung gaano kaganda ang ibang bayan ng Eves bago iyon hinarangan ng malaking pader para ihiwalay ang bayan ng Asareth sa iba pa.

Ang tulad kong walang pamilya at sariling tirahan ang masasabi kong sumasalamin sa bayan ng Asareth. Itinuturing pa nga ito ng karamihan na bayan ng masasamang tao at tapunan lamang ng mga basura.

Hindi naman sila nagkakamali sa sinabi nila. Dahil narito na yata ang lahat ng uri ng tao na maaari mong makilala. Tinatapunan din ito ng mga bakal at sirang gamit na hindi na kailangan ng ibang bayan na pinatatakbo na ng teknolohiya. Uso na yata ang tamad sa kanila. Palit na lang din sila nang palit ng mga gamit kahit maayos pa.

Pero kahit gustuhin kong mamulot ng basura mula sa mga itinatapon dito sa bayan ng Asareth, para naman magkaroon ako ng tagping bahay, hindi ko magawa. Dahil ang mga gamit na tinatapon dito sa bayan ay binabakuran agad ng mga nakatataas dito sa Asareth na ipagbibili naman nila sa iba. Ikaw na nga ang mapapagod magbitbit, magbabayad ka pa. Wala na nga akong makain. 'Di magtitiis na ako rito.

Dito sa Asareth, hindi ka mabubuhay kung hindi ka madiskarte. Palakasan lang ng sikmura at pagtitiis. Dahil lahat ng masamang amoy, nandito na. At swerte nang makakain ka ng dalawang beses sa loob ng isang araw.

At dahil dinadanas ko ang hirap, hindi naalis sa akin ang mangarap ng magandang buhay. Naisip ko pa nga, kung mayroon akong pamilya, ganito pa rin kaya ang buhay ko? Pero wala naman na akong magagawa kung dito ako dinala ng tadhana.

Tadhana, na iwan ako ng sarili kong mga magulang. Tadhana, na mapulot at alagaan ng iba taong hindi ko kadugo. Ang pangalan niya ay, Lina. Pero tadhana rin ata ang salarin kung bakit siya nawala sa akin. Walang ginawa si inang Lina kundi kumita ng pera para buhayin ako. Hanggang sa mamatay siya sa gutom para lang busugin ako.

Ang taong iyon ang nagbigay sa akin ng pangalan na, Seira. Holy and Good.

© March 13, 2017

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now